CHAPTER TWENTY-EIGHT

3K 273 35
                                    

Hindi ako makatulog sa higaan ko kahit na komportable naman ako. Katunayan, mas malambot ang kama ko sa bahay ni Mom kaysa roon sa condo ni Maurr, pero hinahanap-hanap ko pa rin iyon. Sa tuwing nagigising nga ako sa umaga ay nalulungkot akong makita ang kulay mapusyaw na rosas na dingding ng kuwarto ko. Nasanay na kasi ang mga mata ko sa kulay kremang dingding ng kay Maurr. Hay naku. Kailan ko kaya mage-get over iyon?

"Eula!" Si Mom. Sumisigaw na naman. Pagbaling ko sa gilid para matingnan ang orasan napabangon agad ako. Punyeta! Alas sais na pala nang umaga! Alas siyete ang pasok ko sa ospital! Nakakainis naman, oo!

Hindi ko na binuksan ang pinto dahil alam kong mumurahin lang ako ni Mommy. Dapat kasi'y nakabihis na ako ngayon para makasabay ako sa kanya mamayang alas sais bente. Wala pa kasi akong sariling kotse. Nang bumaba nga ako sa kusina at around six twenty-five nakabusangot na ang pagmumukha nila ni Emelita.

"Don't worry. Hindi na ako kakain dito. Babaunin ko na lang ang almusal ko."

"Ang saya mo! Male-late si Mommy nang dahil sa iyo!"

"Emelita, Yolanda. Magsitigil nga kayo't ang aga-aga pa."

Dinampot na ni Mom ang sweater niyang nakasampay sa inupuang silya at kinambatan na akong sumunod sa kanya. Dali-dali kong nilagay sa baunan ang manipis kong chicken sandwich at patakbong humabol sa mommy ko.

Naabutan kami ng mabigat na traffic kung kaya na-late siya ng sampong minuto at ako nama'y halos thirty minutes dahil hindi ko naabutan ang six fifty bus na magdadala sa akin mula sa ospital na pinagtatrabahuhan niya papunta sa pinagtatrabahuhan ko. Kung nakaalis kami ng bahay ng alas sais bente, dapat ay nasa ospital na niya kami nang bandang alas sais kuwarenta. Tapos makakasakay na ako sa six forty-five bus. Eksaktong pagdating ng six fifty five ay nasa ospital na nila Todd ako.

Hindi rin ako maderetso ni Mommy sa mismong workplace ko dahil masyado siyang maa-out of the way. Ma-traffic na kasi masyado ang ruta na papunta sa ospital niya from there. Hindi rin pwedeng agahan namin ang alis ng bahay. Alas dos na kasi ng umaga ang uwi niya kadalasan. She needed the extra few minutes of sleep.

Pagdating ko sa area ko, nakatingin na nang hindi maganda ang supervisor ko. Kulang na lang ay sakmalin ako ng bruha.

"Change into your lab gown right away so you can start with your first set of patients," sabi pa niya. Oo, iyan ang tingin ko sa kanya. Kahit kasi maayos na nakapusod ang kinky hair niya, ang mga mata nama'y parang laging mabalasik kung tumitig.

Mabilis naman akong tumalima dahil takot ako sa kanya. Madilatan lang ako ay nanginginig na ako. Hindi dahil kaya niya akong patalsikin doon kung gusto niya. Mas natatakot ako sa hitsura niya. Para kasing nangangain ng tao. I know, I know. Masama talaga ang ugali ko sa mga panget at masama rin ang ugali.

Nang hapong iyon, matapos ang halos walong oras kong duty ay pinatawag ako ng mas mataas sa kanya. Ang pinaka-head namin. Puti siya at siguro kasing edad ni Mommy. Nakatunghay siya sa papel na nakalatag sa harapan niya nang dumating ako sa upisina niya.

"Hello, Dr. Thomson," bati ko.

"Have a seat." At naupo na ako sa silya sa harapan ng kanyang mesa.

"I was informed by your supervisor that you were late again today."

Again? Ano ang ibig sabihin nito. Ngayon lang ako na-late, ah! Susko!

"Again?" pakli ko, pero siyempre sa tonong banayad. "Today was my first. I've never been late before," dugtong ko pa.

Hindi siya sumagot, pero may pinakita siya sa akin. Record iyon ng attendance ko. May isang entry roon na kahit dumating ako ng saktong alas siyete at iyon nga ang nag-appear sa biometrics record ko ay may ni-note sa gilid no'n ang bruha kong supervisor. Bagama't on time daw akong dumating, late naman nagsimula sa pagharap sa mga pasyente. Grabe! Paano akong mahuli ng sampong minuto noon? Kinausap pa niya ako bago ako isinalang. Nanggigil ako, pero hindi ako nagpahalata. Ang sabi kasi ni Mommy ay kailangan ng ibayong pasensya kung gusto ko tumagal sa trabaho roon.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Where stories live. Discover now