CHAPTER 1

1.1K 42 4
                                    

Anella's POV

*KRIIIIIIIIIIINGGGGGG----

"Oo na! Eto na! Gising na! Ang ingay ingay!" sigaw ko sa alarm clock ko..

'Tinatamad ako!'

'Yan ang pinakaunang pumasok sa isip ko. Tinatamad akong bumangon ngayon.. Bumaba na lang ako sa kusina at yumuko sa lamesa.. Sobra pa kasi talaga akong inaantok. Parang pakiramdam ko, isang oras palang akong nakakatulog, hehe!

"Oh. Bakit ka nakayuko riyan?"

Agad napalingon ang ulo ko sa nagsalita. Napabuntong-hininga ako at nginitian ng tipid si Manang. Siya si Manang Peni, ang pinakamalapit sa'king matatanda'ng katulong rito sa mansyon. Hindi naman siya gano'n katanda pero may kaedaran na rin..

"Morning, Manang.."gusto ko mang hindi ipahalata na inaantok ako, pero hindi ko na napigilan ang tono ng boses ko.

'Pahamak talaga..'

"Morning din.. Ano bang ginawa mo kagabi't gan'yan ang timpla ng mukha mo ngayon?" Natatawang sabi niya. Umupo ako ng maayos at pinagkrus ang mga braso ko.

"Nanood ho ng palabas."

"Ikaw talagang bata ka.. Osya! Kumain ka na dahil aalis kayo ng Daddy at Mommy mo."

Tumango na lang ako at nagsimulang kumain. Tutal, kumakalam na rin ang sikmura ko.

"Teka!" pahabol ni Manang.

"Bakit, ho?" takang tanong ko.

"Bakit gan'yan nanaman suot mo ha?"nakataas na kilay na sabi niya..

Tinignan ko ang kabuuan ko dahil sa inakto niya..

'Maayos naman, ah..'

"May problema ho ba sa suot ko?"

"Mas mukha ka pang lalaki sa Kuya Aldrin mo."

"HEEEP! HEEEP!"akalokohang sabi ng mokong kong kuya.

"Hooray?" pabalang na tanong ko, binigyan niya naman ako ng pambabatok sa ulo. Hindi naman gano'n kalakas, muntikan lang naman akong matumba..

"Bwisit ka 'no?! Tsk! Oo nga naman mukha ka pang lalaki sa akin! Hahahaha!!! Daig mo mo pa gangster sa kanto. D'yan oh!" natatawa niyang sabi at tinuro pa ang labas, inirapan ko lang siya.

Nanahimik nga kami saglit, nagtuloy-tuloy naman ang pagbuka ng bibig ni Kuya Aldrin. Hindi siya napapagod magsalita, papansin kasi kay Ellagrace. Si Ellagrace ang isa sa mga katulong dito na siyang palagi niyang kaasaran. Kapag pinagsasama sila sa isang lugar, aasahan na naming magkakaroon ng gera.

"Nga pala.. Nasabi na ba ni Manang sa'yo?"

Napakunot ang noo ko."Alin?"

"Na aalis tayo mamaya."

"Alindog!" ngising sabi ko.. Inambahan niya naman ako ng batok pero nakaiwas ako kasi I'm Spiderman, joke..

"Ahhhhhhh! Hahahaha!!! Tungek!" Mapang-asar at natatawang sigaw ko sakaniya na ikinatawa naman din niya.

"Ang saya saya naman ng mga baby ko.. Why so happy, babies? Pwede sumali si Mommy??"

Napalingon kami sa tumili at halatang tuwang-tuwa sa nakikita. Si Mommy 'yon. Kaagad na sinalubong siya ni Kuya Aldrin ng halik sa pisnge na para bang bata.

Ang Tibong Inlove |Season 1Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα