CHAPTER 57

287 18 2
                                    

Anella's POV

Iilaw araw na ang lumipas at magaling naman na ako. Ang kaso lang, si Kuya Alrine naman ang sunod na nilagnat kaya kailangan niya munang um-absent.

Pabuntong-hininga naman akong pumahik sa may field doon sa may labas. Sa itaas non ay puro lang tambayan na damuhan at mga puno. Nasaktuhan ko ding walang tao kaya umupo na ako..

Kasabay ng pagbuntong-hininga ko ulit ay ang padaan ng sariwang hangin na tumatakip sa init ng sikat ng araw. Hindi naman tumatama pero mainit, hinubadko na lang yung suot kong blazer saka iniwan ang puti kong longsleeve na nagpapresko na sa katawan ko.

Paulit-ulit nanamang pumapasok sa isip ko yung nangyari nung nakaraan sa sandaling nawala ang pokus ko sa kapaligiran. Gusto kong magalit at sisihin ang sarili ko, pinagbigyan ko siya at mas pinili kong kampihan siya dahil bestfriend ko siya. Sinabi sa akin ng mga pinsan ko na hindi sila galit sa akin pero ako galit na galit ako sa sarili ko, lalo na't ngayon niloko ni Cj si Irene..

'Hindi ko naman 'to problema pero parang kasalanan ko.. Hindi ko alam kung bakit pero hayst!'

"Pst!" napadilat ko ang mata ko na hindi ko naman namalayan na nakapikit na pala. Pagkatingin ko sa gilid ko ay nakita ko doon si Jumrime na may suot-suot na ngiti sa labi habang umuupo sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Wala lang, si Meane?"

"Hindi ko alam. Magkakasama sila nila Julzia eh, pumunta ako dito."

"Gano'n ba? Hindi kasi ako makapunta sa room niyo eh, campus queen na kayong lima, naks!"

"Musta pag-aaral mo?"

"Ayos naman, marami paring chix at syempre hindi mauubusan ng girlfriends!" mayabang na sabi niya kaya napangiwi ako.

"Tss."

"Oh bakit totoo 'yon! Kung hindi kami magkakatuluyan ni Meane, ikaw na lang liligawan ko,"

"Masyado ka pang bata at isa pa.. magpinsan tayo," ngising sabi ko, inayos niya naman ang buhok na nagulo na ng dahil sa akin.

"Hindi mo naman ako totoong pinsan! Ginawa mo lang talaga akong pinsan! Kahit pa sabihin mong mas bata ako sa'yo, liligawan pa rin kita kung hindi ko maliligawan si Meane, 'di ba?"

"Sinabi ko na sa'yo, hindi ako napatol sa bata,"

"May kasabihan nga age doesn't matter!"

"Mag tigil ka nga, Jumrime. Balang araw may babaeng itatadhana sa'yo, kung saan.. mamahalin ka at mamahalin mo din. Hindi mo deserve ang isang kagaya ko," ngiting sabi ko, nakanguso namn siyang tumingin siya sa akin..

"Bakit naman hindi? Napakaganda mo! Sa twing maglalakad ka sa buong academy, mukha kang dyosa, hindi ka pagkakamalang tibo--"

"Hindi naman talaga ako tibo, 'yon lang ang tingin niyo sa akin, boyish type lang ako. Mas lamang lang ang kagustuhan ko sa paggusto sa mga bagay na kung titignan ay panlalaki."

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now