CHAPTER 38

318 16 0
                                    

Meane's POV

Tuwang-tuwa na pinapanood ko lang sila Kuya Aldrin na nagkukulitan, habang kami nila Julzia ay nakaupo na lang sa tabi ni Anella dahil umahon na agad kami.. Ang kukulit nila Lance, eh. Nankulunod pa naman kapag trip niya..

Habang naglalaro ay aksidente ko na lang napabaling ang tingin kay Rc at napansing tahimik na nakatingin kay Bi na blangko lang ang mukhang nilalaro parin si Baby Litlit..

Nagising si Baby Litlit nung umakyat si Anella sa taas para asikasuhin yung dalawa pang magkapatid dahil sa pagtatalo kanina.

Tumingin ako sa iba pang bakla at nakatingin lang din sila kay Bi.

'Hmmm! Mukhang may nagaganapang IN LOVE dito, ah...'

Lumingon ako kila Dairsy at nakatingin din sila sa mga bakla.. Naramdaman nilang nakatingin ako sakanila kaya sabay-sabay kaming napangisi at umayos ng upo.

Hinampas ko ng mahina si Anella kaya napalingon naman siya sa akin.. "Bakit namamalo ka, Bi?" salubong ng kilay na sabi niya...

"Tingin ka sa mga bakla.." l

Taka niya muna akong tinitigan at tumingin sa mga bakla.. Nakita ko ang sabay-sabay na pag-iwas ng mga bakla na akala mo ay walang nangyayari dahil patuloy lang sila sa pagkain..

Tumingin sa akin si Anella at pinaglaro ang dila sa loob ng bibig.. "Akala ba nila hindi ko nahahalatang lagi silang nakatitig sa akin? Tss! Napapalagi ang pagtitig nila sa akin. Hindi ako natutuwa.." malumanay na sabi niya

"Ang ganda mo kasi, eh! Hmp!" pang-aasar ni Irene at tinapik ang baba ni Bi..

"Tss. Tigilan mo nga ako, Irene." saway niya, natawa naman kami..

"Eh, bakit? Totoo naman, 'no! Tsaka. Mabait ka, masipag, mayaman, seryoso at higit sa lahat mapagmahal.. Posible na magkagusto sila sa'yo!" ngiting-ngiti na sabi ni Irene..

"Oo nga naman, Bungangs.." sang-ayon ni Julzia, nag-apir pa kami..

"At isa pa, nak! Hindi ka mahirap gustuhin! Kahit kami, eh.. Kung lalaki ka ay talagang ako pa ang manliligaw sa'yo.. Ikaw yung tipo na babae na magugustuhan ng lahat.. Mapalalaki, mapababae at higit sa lahat mapabeki, 'di ba?"

Hindi sumagot si Anella at nanatiling nakatingin sa amin saka bumuntong-hininga...

"Yeah. Bebs Dairsy is right, Anell.. How to be you ba??" nag-iinarteng sabi ni Irene.

"Alam mo, ikaw?" turo niya kay Irene kaya napapigil ko na ang tawa, ayan na ayan na! "Kesa nagdadrama ka d'yan at kung ano-ano ang pinagsasabi mo.. Pumunta ka dooooooon! Sa syota mo at ayusin ang problema niyo.." sarkastikong sabi niya, napanguso naman si Irene.. "Syota-Syota kayo tapos hindi niyo man lang maayos-ayos 'yang simpleng problema niyo?"

"Simple ka d'yan?!"

"Simple naman talaga. Alam mo ng babaero ang syota mo dapat aware ka na do'n. Syota syota ka ng babaero tapos magrereklamo ka na nakita mong may kayakap na iba."

Ang Tibong Inlove |Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon