CHAPTER 17

379 19 0
                                    

Anella's POV

Ngayon ay nagpapractice kami sa field, kuhang-kuha na nila at sabay-sabay na.. Natutuwa ako dahil halatang ini-enjoy lang nila ang sayaw nila, ngumingiti at tumatawa pa sila.

Masarap magturo kung gan'yan ang tuturuan mo, mabait, masunirin, kuha agad.. Yung feeling na akala ko mahirap silang turuan dahil nga sabi nila walang marunong sumayaw sakanila pero para sa akin, lahat sila marunong dahil see.. Ang isang katangian ng dancer ay good listener. Dahil sa pagiging good listener ay doon mo na masisimulan bilang isang magaling na mananayaw..

Habang sumasayaw sila ay napansin ko kaagad ang limang babae na akala mo ay nasa rampahan ang lakad papunta sa gawi namin.

Napahinto sa pagsayaw ng mga kaklase at kaibigan ko.. Pinatay ko ang tugtog at tumingin kila Julzia na nakatingin na din doon.

"Ang mga Campus Princess!"

"Sila nanaman? Huhu! Kawawa tayo lagi sakanila, eh!"

"Bakit nandito sila?? Aasarin nanaman ba nila tayo?"

"Baka nga.. Gan'yan naman 'yang mga 'yan. Naging Campus Princess nga, pangit naman ugali.."

"Hays!"

Nang tuluyang makalapit ang lima ay hindi ko maiwasang mapangiwi sa mga itsura nila.

'Hindi naman masyadong makapal yung make-up, 'no?'

"Well,well.. Andito pala ang mga talunan na grade 9!" sabi nung Kira, leader nila. Siya yung babae na sumampal kay Julzia.

"Yeah, ang section ng mga loser! At iba pa! Hahahahahahaha!" mapang-asar nung mukhang espasol.

Pinagmasdan ko kung paano napayuko ang mga kaklase ko at doon ko dahan-dahang naibaling ulit ang tingin sa lima saka tinitigan sila isa-isa..

"At balita ko ay may mga transferees na girls. Ang nag-aagaw sa atensyon ng mga boys at balita ko rin.. Dito daw sa section niyo 'yon?" sabi naman ung pinakamaliit..

'Tss.. Naligaw 'ata 'to, eh.. Joke,'

"Can you tell me who are the girls?" sabi nung sumunod na maliit.

'Totally lahat sila maliit hanggang balikat ko lang 'ata sila or hanggang dibdib..'

"Si D-dairsy, si Julzia and Meane po.." kinakabahang anunsyo ng mga kaklase namin at pinausad ang mga kaibigan ko na nangibit-balikat.

"Oh, kayo pala 'yon? Ang papangit niyo!" insulto nung pinakamakapal na make-up, kaya napagkrus ko na ang braso. Mula sa kinakatayuan ko ay pinapanood ko lang sila..

"By the way.. We are the Campus Princess soon to be Campus Queen! And I'm the leader, Kira Lyn De Leon.."

"And I'm Laraine Manlibat.." pakilala nung espasol,

"I'm Caseylyn Wanda Soliman.." pakilala nung sumunod na maliit na mukhang tilapia,

"I'm Camille Cala!" pakilala nung may pinaka-makapal na make-up..

"And ako ang pinakabata I'm Loraine Balesa!" pakilala naman nung pinaka maliit..

'Halata nga...'

Ang Tibong Inlove |Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon