CHAPTER 34-ACQUAINTANCE PARTY PT.3

337 17 0
                                    

Anella's POV

'Ang sakit ng paa ko, gagi!'

"Our Ms. And Mr. Acquaintance 2020 is... Ms. Dairsy Lhei Bartolome and Mr.Ranz Jowzep Gaveyno!! Congratulations!!"

nagsigawan ulit lahat.. Inalalayan ni Rj si Mamshe na hindi makapaniwala na siya ang Ms.Aquaintance..

Tumingin ako sa mga campus princess nakasimangot sila...

'Hindi 'ata sila kumpleto?'

Wala 'yung Camille. Kataka-taka na nawawalan sila ng isa at parang wala silang balak na bigyan ng paki iyon.

Tumingin naman ako sa kabila at doon ko na nakasalubong ang mga mata ni Jeremy na tumango sa'kin. Tinanguan ko din siya at tumingin kila Mamshe.

Napakalaki ng ngiti sa labi niya at sinugod kaagad kami ng yakap nung makabalik sa gawi namin. Doon ko naman hindi maiwasang mapangiti dahil sa ramdam ko ang kasiyahan na nararamdaman niya.

Tumabi sila sa aking apat at yung mga lalaki lumipat sa upuan nila. Ngayon katabi ko sila at nakasandal sila sa balikat ko..

"Grabe! Ang ganda ganda mo, Biii!"

"Ang daming award!" sabi naman ni Julzia.

Kumapit naman sa braso ko si Mamshe at nagsalita.. "Nak, alam mo ba kanina.. mukha kayong mag-on ni Jonathan!" kinikilig na bulong niya, umiling-iling lang ako...

"Tss.. Kalokohan 'yan."

"Hindi! Kanina tili kami ng tili lalo na si Julzia dahil nga 'yung paghoholding hands niyo--kyahhhhh!! Tapos.. Tapos yung hinawakan mo yung bewang niya tapos yung ngisi mo! Oh, my gosh! Nakakakilig! Parang tanga lang, yie enebe!" tili niya kaya napatawa na lang ako.

"Alam mo ikaw, Mamshe. Nakakuha ka lang ng award, kung ano-ano ng pumapasok na kalokohan d'yan sa utak mo.. Tigil-tigilan mo nga ako sa panunukso mo.."

"Hindi kalokohan 'yon! Totoo nga! Ang kulit hahahaha!"

Nakailang oras na ay isang oras na lang ang natitira sa amin... Lumabas muna ako para mabawasan ang ingay sa tenga ko. Parang panandaliang lumubog ang eardrum ko sa pinakailalim at nawawalan ako ng pandinig. Bukod kasi sa malakas ang tugtog sa loob, nasama na rin ang samu't saring ingay galing sa mga estudyante. May nagtitilian dahil nakikisali sila Kuya Aldrin sa pagsasayaw at nagpapakitang gilas pa. Meron namang nagdadaldalan at meron ding nag-aabot ng rosas sa mga palatiling babae. Katulad nalang ni Julzia.. Hanep na lalamunan 'yan, walang kapaguran..

Mula sa malayo ay kita ko ang mga nakaabang na mga guards ko sa labas at talagang nagbabantay.

"Ang sakit ng paa ko, grabe.." ngiwing bulong ko sa sarili ko.

Hindi kasi ako sanay na nagsusuot ng ganitong sapatos. Mga rubber shoes at boots kasi ang mga isinusuot ko sa pang-yapak, paminsan-minsan ay tsenelas lang.

Nang dumaan ang malamig at preskong hangin ay doon na ako napatigil at napatingin sa paligid, napakatahimik lang.. Huminga ako ng malalim at napapikit na lang habang dinadama iyon..

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now