CHAPTER 35

338 19 1
                                    

Dairsy's POV

Nagising na ako ng alas-nueve at naghilamos na. Lumabas ako ng guestroom at napatingin sa living room nila Tita at nandoon na ang dalawang babait.

Usually, kapag may ganitong events tapos inaabot kami ng gabi, kila Anella talaga kami nag-sstay. Hindi na kasi kami pinapayagan ni Tita Armella na umalis ng gabi o kaya magdrive ng gabi kasi delikado na daw sa daan. And always welcome naman daw kami, so.. yeah!

"Good morning, mga magaganda pa sa umaga!" pang-uuto ko sakanila kaya napatawa sila.

"Anong sasabihin mo, Mami?"

Nang tanungin iyon ni Julzia ay hindi ko na maiwasan ang mapangiti saka ko sila hinatak dalawa papunta doon sa sofa..

"Ganto kasi 'yan!" hindi pa nga ako nagsisimulang magkwento ay kinilipig na agad ako. Umaabot aa abdo ko, jusko! Bakit ba kasi ang lakas ng chemistry nila Anella saka Jonathan?

Una palang na nakita ko sila nagkadikit, alam ko ng may iba sa presence nilang dalawa na akala mo ay nagkatagpo na ang dalawang soulmates.. Ewan ko, pero ang lakas ng pakiramdam ko doon sa dalawa. Sa sobrang lakas ng chemistry nila, kahit pagdikit lang ng mga damit nila ay kinikilig na ako. At first time ko iyong maramdaman dahil ang dami ng nakaka-usal at nakakadikit ni Anella na mga tao pero ni isa doon ay hindi ko mapakiramdaman ng ganito na ultimong si Jeremy ay hindi din ganito ang naramdaman ko.

Nang maikwento ko na lahat kila Julzia ay tatlo kaming akala mo kinokoryente dito dahil nangingisay na kami sa kilig. Oh, 'di ba? Hindi lang naman kasi ako ang nakakaramdam ng ganoong klase ng lakas ng presensya.

Kaso natigil ang pagtawa ko nang dumating si Kuya Aldrin at ang barkada niya na halatang kagigising lang. Pero ang ipinagtataka ko, hindi pala sila dito natulog? Sa entrance sila pumasok, eh. Ano 'yon? Nagpakahirap pa silang umikot?

"Moooom! I'm here! Kasama ko 'yung mga friends ko.." pahiwatig ni Kuya Aldrin at saka tumango sa'min.

Agad akong pumunta sakaniya para bigyan siya ng halik sa pisnge na ginawa din nila Julzia. Ganito kami palagi kay Kuya Aldrin, parang kapatid na din kasi ang turingan namin kaya palaging sinasabi ni Kuya Aldrin na baby niya kami. Hays, kakaiyak! Chour..

"Saan kayo galing, Kuya? Bakit galing kayo entrance?"

"May isinama lang.."

Doon naman ako napalingon sa likod nung magbabarkada at napatigil nang magtama na agad ang mga paningin namin ni Jp..

"Oh!" gulat na asik ni Julzia. "Kasama pala kayo ni Kuya Aldrin?! Wow naman, Jonathan! Ang blooming, ang fresh! Halatang may naka-leplotetang.."

Nagkatinginan naman kaming tatlo at napapigil ng ngiti nang makita na sumimangot sa'min si Jonathan at sumulyap pa sa itaas na animo'y may nakikita siya doon.

"Oh, Hi!" napatingin kami kay Tita Armella na sumilip sa may dining at tuluyan ding lumabas. "Hey, anak.. Kiss ni Mommy?"

Agad inilapat ni Kuya Aldrin ang labi sa labi ng ina at yumakap saglit dito, clingy..

"Namiss kaagad ni Mommy, Baby Aldrin ko ah? But, I'm glad you brought your friends! Good morning, boys!" bati nito sa mga barkada ni Kuya Aldrin na bumati din, saka na siya bumaling sa mga beki's.. "Wow! You all look handsome and beautiful! Madadagdagan nanaman ang mga babies ko! Kumain na ba kayo?"

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now