CHAPTER 37

363 16 0
                                    

Anella's POV

Nandito ako sa harap ng bahay ni Cj at kanina pa kumakatok.

'Nakanang teteng, oh!'

Kumatok na ako na parang gigibain na ang pinto para siyempre agadsiyang lumabas. Sakit sa balat nung sikat ng araw, eh.. Parahas niyang binuksan 'yon at kunot ang noo pero unti-unting nawala nang makita ako..

"Oh. Bakit nandito ka?" nabibiglang sabi niya, pinapasok niya ako at umupo na kami sa sofa.

"Ano bang nangyari sa inyo ni Irene?"

Nung sabihin ko yun ay doon na siya napabuntong-hininga at nangibit-balikat.. "Hindi ko rin alam, eh.. Basta nag-away kami kahapon mismo, kesyo daw ng babae nanaman ako.." nakangusong sabi niya.

'Baka nambabae ka nga?'

"Eh, baka tama siya---"

"Hindi nga! Isa ka pa, eh!" angal niya kaya natawa ako ng mahina, mukha eh..

"Ano ba kasing pinag-awayan niyo? Kahapon, umiiyak na pumunta sa akin.. Ang sabi niya nakita ka daw niyang may kayakap na babae.. Alam mo namang selosa syota mo, may payakap yakap ka pa? Kung mambababae ka, try mong humanap ng magandang lugar, 'yong tipong walang makakakita, hindi ka mahuhuli ng syota mo. Tss.." sarkastikong sabi ko..

Napanguso naman siya lalo pero napalaki ang mata.

"Oh? Ano! Nagmumukha ka nanamang kwago! Ang laki lalo ng mata mo!" pigil na tawang sabi ko..

"Sira! Naalala ko na! Yung babaeng kayakap ko!"

"Oh, ano?"

"Gan'to kasi 'yan, Pre! Pumunta si Crystal sa akin.."

"Crystal? Si Jade?" nalilitong sabi ko, Tumango siya."Eh, anong ginagawa niya do'n?" dagdag ko pa

"Tinawagan niya kasi ako.. Sabi niya gusto niya akong kausapin. Syempre dahil nga kapatid ko 'yon nakipagkita ako. Nakita ko siya namumugto 'yung mga mata, tinanong ko.. 'Bakit namumugto 'yang mata mo?' Ang sabi niya nakipagbreak sakaniya si Jerick. Ayon niyakap ko siya para hindi na siya umiyak.." kwento niya.

'Ahhhhhhhhhatdog!'

"Ahhh.. Ibig sabihin, yung babaeng kayakap mo kahapon ay si Jade?"

Tumango siya..

"Eh, bakit hindi mo sinabi ang mga 'yan sa syota mo?"

"Sasabihin ko sana..." putol niya sa sasabihin

"Kaso?"

"Puro sampal ang inabot ko sakaniya. Ni hindi niya nga ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag at magkwento sakaniya. Basta sinampal at binungangaan niya lang ako, eh!" nakangusong sabi niya.

"Tss.. Ewan ko sa inyong dalawa! Nadadamay pa ako! Os'ya! Aalis na ako, Man!"

Sabay kaming tumayo at nag-bro hug bago niya ako hinatid sa gate..

Sumakay ako sa motor ko at ini-start iyon.. "Balitaan mo na lang ako kapag ayos na kayo, Cj.. Ha?"

"Ge ge, makakaasa ka.. Ingat sa pagdrive.."

"'Lamat.. Kitakits.."

Isinuot ko na ang helmet ko't tumango pa sakaniya bago umalis na..

Naabutan ko sa bahay iyong mga bakla na nandoon pa din, nasa sala padin sila.. Nandoon din naman sila Kiya Aldrin kaya hindi ko na sila pinansin, hindi ko naman sila bisita. Ayos sana kung bisita ko sila, eh..

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now