CHAPTER 29

354 17 0
                                    

Anella's POV

It's Thursday, mga bruh at bukas ang schedule ng parusa ko. Anak ka ng teteng.

Pagkababa ko sa baba ay nandoon na ang designer ni Mommy. Usually kasi, may tig-iisa kaming designers.

Ako, si Mommy, Sila Kuya Aldrin and Daddy.. May kaniya-kaniya kasi kaming style when it comes to outfits. But then, pinili ni Mommy ang designer niya to design my gown dahil naisip na niyang pasisimplehan ko lang kapag ang designer ko ang gagawa..

Hawak na ni Mom ang gown ko at naging dahilan 'yon para mapangiwi ako pero kahit ganoon ay humalik ako sakanila ni Kuya na hawak yung dalawang bata at sinakay sa kotse niya.

Ako naman ay sumakay na sa motor ko at naunang pumunta sa gawi ng CBA.

Parking Lot•

Kaagad kong ini-park ang motor ko nang makarating sa parking lot ng CBA. Kaswal akong pumasok sa entrance habang ang mga kamay ay nasa loob ng mga bulsa ng palda.

Pagkapasok ko naman sa loob ay dahan-dahang bumagal ang paglalakad ko nang harangin ako kaagad ng mga Campus Princess, Campus Prince at s'yempre.. Campus Kings..

Napabuntong-hininga na lang ako at akma ng maglalakad nang deretso nang mas haringin nila ako at tinulak pa ang balikat ko..

Nakatagilid ang ulong tinitigan ko 'yon at napangisi na siyang ikinatigil niya. "Totoy.." tawag ko at tinitigan ang kabuuan niya, mula ulo hanggang paa. "..patuli ka muna, ha?" bulong ko at tumingin kila Jeremy..

Pumagitna pa talaga si Jeremy at si Kira. Gano'n na lang ang pandidiri ng paligid nang maglapatan ang mga labi nila na para bang nasa isa silang bar.

'Wala.. Pasikat lang.. Wee..'

Nakablangko lang ang mukha ko habang pinapanood sila.. Nakatingin sa akin si Jeremy habang nakikipaghalikan doon sa maarteng leader ng mga Campus Princess..

Itinigil nila ang halikan at ngumisi sa akinna tila sinasabi sa'kin na 'pagsisihan kong tinanggihan ko siya..' Napataas ko ang kilay at sarkastikong ngumiti.

'Gago ba ako noon kaya napatulan ko 'to? Talaga ba??'

Pumasok sa isip ko na umiyak ako sa katulad niya? Puta, kung sa akin lang, hindi niya deserve yung luha ko.. Tatanga-tanga ba ako? Hays, minor moments nga naman..

Inilahad ko ang kamay na siyang ipinagtaka niya.. "Ituloy niyo lang. Natutuwa ako, eh.."

Napataas ang kilay ni Kira at napatawa ng sarkastiko.. "You look so pathetic, Anella.. You don't know how to kiss.."

"And who said that?"

"Of course.. Your lovely ex.."

Napaatras ko ang ulo, "Lovely ex?" tatawa-tawa kong sabi .."Ni hindi ka nga mamahalin niyan ng kahit kakaonti.. Hinalikan ka lang, mahal ka na?"

"Shut up.."

"At isa pa.." taas ang kilay na baling ko kay Jeremy.."Paano naman nalaman ng 'lovely ex' ko na hindi ako marunong humalik?"

"You didn't even kiss for that 1 year? So gross!"

"Ahh.. Hindi naman ibig sabihin non hindi na ako marunong humalik.." iiling-iling kong sabi at mariing tumitig kay Jeremy at lumapit ng isang hakbang.. "Ni hindi niya nga nagawang maka-score sa'kin ng kahit isang halik sa labi, eh.. Paano niya namang nasabi na hindi ako marunong humalik?"

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now