CHAPTER 32- ACQUAINTANCE PARTY

369 22 0
                                    

Dairsy's POV

Ngayon ay minimake-up-an na ako ni Mommy.. Marami pang nilagay at nilagyan pa ako ng contact lense na luna peach yata 'yon or what. Basta, grey yung kulay niya.

Nang matapos akong make-up-an ay pinasuot sa akin ang gown ko at inayos ang buhok ko.. Nilagyan ng mga clips na gray at stars. Ang style ng buhok ko ay straight na straight sa gitna at nakapusod na tirintas.. Tumingin ako kay Mommy at hinalikan siya sa pisnge.

"Wow, ganda naman.. Kainis. Pafall.."

Natawa ako sa biro nila Kenlite, sila ang magsusundo sa'kin pero ang plano namin ay kasama na sila Julzia pero hindi ko nakita ni anino nila Julzia doon kaya ako na lang siguro ang sinundo nila..

"Lakas niyo, ah. Wala akong barya.."

"Mas okay yun.."

"Ulol! Credit card 'to, black card.. 'Kala mo."

Napatawa naman sila kaya napailing-iling na lang ako at hinintay na makarating kami sa Academy.. Hindi ko na maipaliwanag ang ngiti ko dahil sa excitement lalo na nung makita ko yung mga ilaw na nanggagaling na siguro sa loob..

Isa pang Gymnasium namin ang location ng venue.  Malawak at malaki.. Maraming mga tables at mga estudyante ang mga upuan ay may nga tela na itim at red ribbons.

Inilibot ko ang tingin sa paligid dahil baka nandoon na sila Julzia't nauna na.. Sa sobrang excited nila, baka nga nauna na sila.. Pero sa halip na sila Julzia ang mahagip ko ay si JP pa na hindi ko mapaniwalaang nakasuot ng suit ngayon na nagbigay ng bruskong kurba ng katawan niya. 

'Hmp, gwapo!'

"Dito tayo, Dairs.." aya sa'kin ni Kenlite at pinaupo na ako doon sa halos katapat lang na table nila JP..

"Sinasabi ko sa'yo, Kenlite.. Buo lahat ng pera ko, hindi kita mabibigyan." sarkastiko kong sabi dahil inayos pa ni Kenlite yung paldang gown ko't akala mo'y iniingitan iyon.

Julzia's POV

Habang mini-make-up-an ako ni Ate ay hindi ko na maitanggal ang ngiti ko.. Nakasuot na ang gown ko at sapatos ko, ayos na rin ang buhok ko na naka-tali.

Nang matapos ako make-up-an ni Ate ay ngumiti siya at sinamahan akong ihatid sa school.. Inalalayan pa ako ng mga guard papasok dahil malaki masyado ang gown ko!

Pagkapaok sa isa pang gymnasium ay nakita ko na kaagad si Mami Dairsy na talagang hindi nagpakabog! Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Nakipagbeso ako sakaniya at umupo.

"Ang ganda mo, nak! Nakakainis!"

"Mana kase ako sa'yo, Mami! "Natatawang sabi ko

"Ang tagal ni Meane! Nandito na lahat! Silang dalawa nalang ni Anell ang wala.."

Oo, dahil 7 pm ang umpisa namin. Eh, 6:35 na.. Dumating na din si Irene at nakipagbeso sa amin.. Wala si Cj siguro talaga! Nako!

Meane's POV

Nang matapos ako mag-ayos ay nagmadali na kami dahil malapit na mag-umpisa ang party. Binilisan na din ni Kuya Tea ang kotse at nakadating na rin kami.

"Salamat po.." pagpapasalamat ko sa mga security guards na nakaantabay sa gate ng CBA, na inalalayan ako..

"Dito po, Ma'am.." Turo naman sa'kin nung staff na nakatayo doon sa may pinto ng venue ng party.

Ang Tibong Inlove |Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon