CHAPTER 15

394 20 2
                                    

Anella's POV

Nang makauwi ay agad akong nagpalit ng damit dahil kanina pa ako naiirita sa suot ko.. Pagkapalit ay humilata ako sa kama ko at nag-facebook.. Nagscroll ako ng nagscroll hanggang sa mapahinto ako sa nakita ko.

Picture 'yon na nakapamulsa ako habang nakasandal sa pader sa mall tapos ang caption pa.. "Look, it's our Anella in her today's outfit.."

10k likes
11k comments
12k shares

"Tss.. Bakit ako ang pinicture-an imbes na si Julzia??"

Si Julzia kasi ay sikat na vlogger, kami lang ang mga kasama niya sa vlogs niya pero bakit ako ang pinicture-an eh, siya ang nagbavlog, tsk.. Hindi talaga ako mahilig sa social media, kung hindi nga lang ako kinulit nila Mamshe ay hindi ako gagawa ng Facebook at Instagram eh..

Nag-scroll na lang ako ng nag-scroll pero napahinto at nanlaki ang mata ko nang makita ang isang nakakadiring picture..

Picture ko with Bading. Nakapamulsa ako at nakatingin sa kaniya, siya naman ay nakatingin din sa akin.. Tinitigan ko ng mabuti yung backgdound at napapikit saglit dahil sa arcade 'yon nakuha..

Flashback...

Matapos naming kumain ay pumunta kami sa arcade. Sila Kuya ay nagsitakbuhan matapos makuha ang mga token, kung saan-saan sila nagpipinunta..

'Parang nakawala sa hawla, amp..'

Ang mga bakla naman ay nagsitakbuhan doon kila Kuya, yung mga kaibigan ko pumunta don sa stuff toys..

'So? Ako ang matitira dito? Magaleng!'

Tumingin ako sa gilid ko nang may maramang presensya ng tao doon, at nang tumingala ako para tignan kung sino iyon ay ngumisi ako ng tipid..

Si Bading na nakatingin sa akin. Nakapamulsang tinitigan ko naman siya at sa isip-isip ko ay malaki na ang ngisi ko dahil nilalabanan niya ang mga mata ko.

Hindi ko maiwasan ang bumilib sakaniya dahil isa lang siya sa mga kinaya ang mga malalalim at kalmado kong titig. Ni sila Kuya Aldrin ay hindi matagalan ang mga mata ko, pero siya ay parang nakatingin lang siya sa isang pader at nakatulala..

'Pwede, ah..'

End of Flashback..

"Shutek na 'yan.. Tsk."

Nakakadiri yung caption.."Guys, look! They look good together, right?"

5.6k likes
6k comments
10k shares

'Lord? Bakit mo ginagawa sa akin 'to?'

Julzia's POV

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now