CHAPTER 18

380 19 0
                                    

Jonathan's POV

Nang makauwi ako sa bahay ay nagpalit ako ng damit at saka humilata sa kama ko.. Pakiramdam ko, nung nahiga na yung likod ko sa kama ko, pagod na pagod ako. Why naman gano'n?

"Makapagfacebook nga!"

Usually kasi, kapag uuwi ako sa bahay.. Bago ko gawin yung homeworks ko, magchecheck muna ako sa social media accounts ko. Especially, Twitter, Instagram.. Minsan naman, nood lang sa Youtube kapag bored. O kaya Tiktok..

Binuksan ko ang facebook ko at unang-unang ibinungad sa'kin ng newsfeed ko ay ang pinakaNAKAKADIRING picture na nakita ko na sa balat ng lupa!

Picture 'to na ini-screenshot sa youtube channel ng Julzia! 10.6 million views and 5m likes and 5 unlike!

Nakacaptured yung tinignan ko siya habang inaayos ang ribbon sa shoes niya! Nakakairita kase!

Sa sobrang inis ko ay ini-scroll ko ulit pero! Pak na pak! May picture nanaman yung magkatabi kami at nagkatinginan sa isa't isa.. Likod namin ang makikita at nasusuka ako sa caption!!

"Bakit ba kasi bagay na bagay sila?!"
5k likes
4k comments
1k shares!

'Sinira ni Tibo ang buhay ko myghad!'

Ang pinangarap ko noon ay mafeatured sa facebook with Torvas o kaya kay Babecakes!! Bakit sa merlat pa?!

Napapadyak na lang ako sa kama ko at binato sa tabi ko ang cellphone ko at natulogz!

Kinabukasan..

Paggising ko kinabuksan, hindi ko alam pero ang sakit ng ulo ko at feel ko din na waley ako sa mooders ngayon!

'Bwisit ka talaga sa buhay ko, Tibo!'

Nang makapasok akesha sa loob ng school ay wiz ko ba talaga kung malas ba ako, o minalas lang ako ngayon! Ayan nanaman! Why ba laging nagkakasalubong kami?!

Sa sobrang inis ko kay Tibo ay hinatak ko siya papunta sa garden at pahagis na binitawan.. Blangko ang mukha niya at bumuntong-hininga.

"Hoy, Tibo!!!" nangangalaiting sigaw ko, tinaas niya naman ang dalawang kilay. "Kasalanan mo to, e!"

Kumunot naman ang noo niya. "Ang alin ba?" malumanay na sabi niya.

'Tignan mo 'tong Tibo na 'to! Ako dito galit na galit na, ang shutek na Tibo kalmang-kalma!'

"Kasalanan mo ang lahat! Kung hindi ka lang siguro pumayag sa vlog ni Julzia ay hindi magkakalat ang pictures natin! At gawan ng issue na couple tayo!"

"Picture? "patanong niyang sabi at nag-isip pa, napakrus ko ang mga braso."Ahhh.. Bakit kasalanan ko?"

"Dahil kung hindi ka nga pumayag sa idea ng Julzia, hindi magkakalat ang mga pictures ko with you at issue na may relasyon tayo! Nakikinig ka ba! Ako dito galit na galit na! Samantalang, ikaw kalmang-kalma ka!" tuloy-tuloy na sigaw ko at hinihingal matapos, bumuntong-hininga siya.

'Buntong-hininga lang ba talaga gagawin niya? Seryoso??'

"Kapag ba nagalit ako mabubura ba yung picture?"

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now