CHAPTER 27

384 18 0
                                    

Anella's POV

Matapos kong magpractice para sa dance club ay umalis na ako gamit ang motor ko at umuwi na sa mansion.

•Mansion•

Agad akong inalalayan ng mga yaya at kinuha ang mga gamit ko katulad ng palagi nilang ginagawa. Dahil sa pagod ay aakyat na sana pero nang may maramdaman akong ibang presensya ay napalingon ako doon sa salas, doon ko nakita ang designer ni Mommy.

Napakunot saglit ang noo ko at pumunta muna sa taas para magbihis dahil pakiramdam ko ay lagkit na lagkit na ako.

Nang matapos magbihis ay sinilip ko ang kwarto ni Letlet at kusang napatango nang makitang maayos na, nandoon silang dalawa ni Litlit habang nagbabasa ng libro.

'Buti at inayos na ni Madrigal.. Mabuti 'yan, Madrigal. May dagdag bonus ka sa akin at nawala ang galit ko sa'yo!'

Napansin siguro ako ng dalawa dahil napalingon sila sa akin..

Sinalubong kaagad ako ni letlet ng yakap at halik sa pisnge ko..

Pumunta naman ako kay Litlit na masaya at ngiting-ngiting tumatalon. Binuhat ko siya at binigyan siya ng maraming halik sa mukha.

"Kamusta ang baby ko?? Aissssh! Ang cute cute!!"

Inalalayan kong bumaba sila Letlet at Litlit. Nang makababa ay nahagip nman ng mata ko si Lotlot ng mga laruan niyang kotse.. Tinignan ko muna si Litlit bago itinabi kay Lotlot para makapaglaro silang Dalawa.

"Anella, halika! Hoy! Magsusukat ka pa ng gown!"

Napasimangot ako bigla at kakamot-kamot ang batok na lumapit kila Kuya na nagsusukatan na ng susuotin nila sa pakening na Acquaintance na 'yan..

Hindi naman kasi ako pala punta sa mga gan'yang okasyon. Nung nakaraan nga ay nasayang lang ang bayad ni Mommy dahil hindi ako pumupunta.

'Eh, sa ayoko eh!'

"Anong gusto mong design ng gown, anak?" tuwang-tuwang tanong ni Mommy.

Napangiwi ako.. "Mom, sure ka na sasali ako?"

'Baka bawiin niya, hehehe!'

"Yes naman, baby.. Sayang ang ganda mo kung hindi ka sasali sa gan'yan!"

Napatawa naman si Kuya kaya nakatanggap siya sa'kin ng malatik na irap.

"Tama si Mommy, Anella! Pfft! Hahahahahahaha!"

Hindi ko pinansin ang pang-aasar sa'kin ni Kuya at hinayaan na lang na sukatan ako ng designer.

Hindi parin tumitigil sa pagtawa si Kuya Aldrin. Nakaturo pa siya sa'kin habang napapahawak sa t'yan na tumatawa..

'Mabilaukan ka sana..'

"Hahahahaha--huk!!"

Napangisi ako at pinagmasdan si Kuya na tumakbo sa kusina para kumuha ng tubig. Nang matapos akong sukatan ay umupo na ako sa tabi ni Mommy..

Nagulat naman ako nang pumunta sa akin si Letlet na karga si Litlit na nagko-close open ang mga palad. Binuhat ko naman siya at pinaupo sa lap ko. Pinaglaruan niya kaagad ang kamay ko at hinawak-hawakan.

"Si Baby Litlit ang pipili!" excited na sabi ni Mommy at pinakita kay Litlit ang magazine na naglalaman ng libong mga gown.

Pinagmasdan ko lang silang dalawa. Pinakita ni Mommy ang unang page na ang gown. Nandoon ang malaki na kulay itim pero umiling si Litlit.. Nilipat ulit ni Mommy at puro plain iyon.

Ang Tibong Inlove |Season 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora