CHAPTER 28

385 18 0
                                    

Rc's POV

It's Wednesdayyy! Gosh malapit na! Nandito ako sa kabilang building sa mga elementaries dahil maraming mga bata ang naglalaro dito..

Naaalala ko lang yung dalawa kong bestfriend na merlat. Naglalaro kasi kami dati nun.. Yung isa do'n, crush na crush ko. Yung crush ko kasi ay yung maikli buhok, may pagka-nerd pa siya hehehe! Magkasing edad lang kasi kami non, eh.. Siguro nasa 7 or 6 years old kami tapos yung bestfriend kong isa. 5 or 6 siya non.. Tahimik lang siya pero mapang-asar din..

Habang nagmumuni-muni ako ay bigla na lang may kumalabog sa dibdib ko nang may nakitang isang bulto ngtao.

Si Tubercio..

Sa magkabilang kamay niya ay si Letlet at Lotlot, nakatali ang buhok niya at hindi ko alam kung bakit ba ako nakatitig doon. Usually kasi, ang tali niya ay low bun lang. Messy hair o kaya low ponytail. Ngayon ko lang siya nakitang nagponytail, plus, kahapon na first time ko lang siyang makitang nakalugay ang buhok niya. Pakiramdam ko ay nag-iba ang anyo niya nung makita ko siyang nakalugay ang buhok niya.

Ilang minuto lang ay bumalik siya dito nang wala ng hawak na bata, doon ko nakita na nakapamulsa na siya pero ang hindi ko inaasahan ay tumingin siya sa'kin na walang makikitang emosyon sa mukha saka siya tumango.

Literal akong nagulat dahil hindi ko inaaasahan na makikita niya ako ng ganoon kabilis na para bang normal na sakaniya yun.

Tumakbo naman ako papunta sakaniya at sumabay sa paglalakad. "Good morning!" ngiting bati ko.

"Morning.." malumanay na bati niya rin.

"So, talagang ikaw ang naghatid sa dalawang bata?"

"Mm. Actually sa kotse sila, kay Kuya. Baka mahulog sila sa motor ko dahil minsan sa sobrang harurot ko tumataas yung motor.."

Napaangat naman ang tingin ko sa fezlak niya. "Congrats nga pala.."

"Para sa'n?" taka niyang tanong habang nakatingin sa daan.

"For being 2020 Campus Queen Leader.." ngiting sabi ko pa, tumingin naman siya sa akin at nagsalita.

"Thank you.." pormal niyang sabi at tumingin ulit sa harap.."Gusto kong isali si Mamshe Dairsy, si Meane at si Julzia sa pageant this July 31.." seryosong sabi niya..

'Eh?!'

"B-bakit?"

"Dahil alam kong sila ang karapat-dapat.. Ayokong mapunta sa mga Campus Princess ang Campus Queen kasi panigurado akong dudugain nila yung contest.. Dumagdag nanaman ang mga isipin at desisyon kong dapat ay maingat.."

"Paano ka naman nakakasigurong dudugain nila iyon?" nalilitong sabi ko..

Tumingin siya mismo sa mata ko. "Dahil mayayaman at may mga pera sila.. Lalo na ang mga parents nila.."

Matapos niyang sabihin 'yon ay inunahan niya na ako sa paglalakad. Ako naman 'tong napatigil at napatulala.

'Oo nga, 'no? Pwedeng bayaran ng campus princesses ang contest! Ang talino ng my loves ko!'

Tumingin ako kung nasaan siya para sabayan sana siya ulit pero wala na akong nakitang Anella.. Para siyang naging hangin!

Anella's POV

Ang Tibong Inlove |Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon