CHAPTER 41

319 21 0
                                    

Rc's POV

Tuesday.

"Hoy bakla! Ano! Ikaw naman ang tulaley today?" napalingon ako kay Baklang Jp nang kalabitin niya ako..

Bumuntong-hininga akesh at talagang napakabigat non..

"Ohw! Bakit parang ang lalim 'ata ng buntong-hiningers mo?"

"Wala lang.." walang ganang sagot ko.

"Sa susunod, 'wag ka ng magbubuntong-hiningers ng malalim at mabigat, ah!"

Napalingon ako sakaniya at binigyan siya ng nanunuksong ngiti..

"Ay, bakeeet? Concern siyaaaaaa yiiiiiii!"

"Concern ka d'yan?! Gaga! Mabaho kasi ang hiningers mo! Assumera ka ghooorl?"

"Talaga?" hindi makapaniwalang sabi ko saka inamoy ang hininga ko. "Hindi naman!" angal ko.. Natawa naman siya at binatukan na lang ako..

"Jongks lang! Ano ba! Hindi ka na mabiro today, beh?" maarte na sabi niya, pina-ikutan ko lang siya ng mata..

"Hindi. Seryoso.. Bakit ang lalim lalim 'ata ng buntong-hininga mers?"

Tumingin ako sakaniya saka ngumuso..

"Hindi ko kasi naka-usap ang Tubercio kahapon.. Matitigan ko lang hindi din naman ako tinignan o kaya pinansin.. Kasi nga 'di ba? Stress daw!"

Napabuntong-hininga din siya at nakapalumbabang tumitig din sa akin..

"Hmm.. Bakla, pareho tayo.. Parang ang tamlay-tamlay ko. Wala kasi akong kaasaran kahapon, eh." nakangusong sabi niya at nag-puppy eyes..

'Kala mo maganda, eh! Dukutin ko mata mo!'

"Ang lungkot 'ata ng mga chakang bakla?" nakangiting sabi ni Jona..

Tinarayan lang namin siya..

"Ay deadma, hmp!" biglang pagbatok niya sa amin. Taka naman kaming tumingin sakaniya. "Mga feeling famous kayo, ah! Mga bastos! Tinatanong tapos tatarayan lang watashi."

"Ehh, bakla! Kasi!" napuputol na sabi ni Baklang Jp at napapakamot sa ulo..

"Ano? May kuto ka? Ay, kadiri!!!"

"Gaga, Hindi! Namimiss lang talaga namin ang Tomboyish." nakangusong sabi nito, tumango-tango naman ako.

Tumaas naman ang isang kilay nina Baklang Jona at Rj.

"Bakit naman, aber?" napataas ang dalawang kilay namin ni Joklang Jp ng sabay na sabihin iyon ng mga bakla..

"Ako kasi.. Alam nee!" pabebe kong sabi saka kunwari isinusukbit ang buhok sa likod ng tenga..

*POK!*

"ARAY, AH!" sigaw ko kay Baklang Rj..

"'Wag kang umangal. Kahapon ay kung ano-ano pinaggagawa mo sa akin! Ganti lang." pairap na sabi niya, nagmake-face lang ako..

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now