CHAPTER 42

302 18 0
                                    

Anella's POV

Lumipas ang Miyerkules at Huwebes ay naging busy ako sa pag-aaral at pagrereview. Buti na lang nung martes ay hindi nilagnat si Kuya.

At ngayon Biyernes ay ang last review namin at talagang pinapasakit nito ang ulo ko...

"Never kong in-expect na sasakit ng that much ang aking ulo!" parang naiiyak ng sabi ni Julza habang nakayuko sa arm chair niya.

"Trot ka d'yan, nak! Grabe! Halos magrumble sa utak ko yung formula ng Math kanina. Hindi ko alam kung bakit ba may Math!" si Mamshe na nakapikit habang hinihilot ang parehong sentido niya..

"1st quarter pa lang mahirap na, pa'no pa kaya sa susunod na quarter?" parang problemadong-problemado na sabi naman ni Meane...

"Oorder-an ko na lang kayo, itulog niyo muna yung sakit ng ulo niyo." sabi ko naman kaya tumango-tango na lang sila..

Agad akong tumayo at naglakad papunta sa canteen.. Pagkapasok ko ay binati ako ng ibang estudyante.. Binigyan ko lang sila ng tipid na ngiti at saka dumeretso kay Kuya Ron, yung tindero..

"Kuya Ron, order ako ng sandwich, apat tapos tatlong Yakult, isang Dutch mill na rin." magalang kong sabi doon sa tindero, ngumiti ito sa akin at mabilis na inasikaso ang order ko.

"Meron pa?" tanong niya..

"Ah, meron. Pabili na rin ng Champi, Frutos, Dynamite at saka Lollipop. Tig-dadalawa."

Pagkasabi ko non ay nilagay niya sa isang plastic at doon ko nakita sa plastic ang apat na sandwich saka yung mga inumin at candy...

Nagpasalamat ako at aalis na sana nang biglang.. "J-jumrime?" nalilitong sabi ko nang may humarang na tatlong grade 7 sa akin.

"Ako nga, Ate!" ngiting sabi niya at niyakap ako, niiyakap ko siya pabalik saka humiwalay din.

"Kamusta ka na? Ang laki mo na, oh? Magkasingtangkad na tayo.." malumanay na sabi ko.

"Well! Hahahahahaha! Asaan si Meane?"

"At talagang hindi mo makalimutan si Meame.. Ultimate crush mo pa rin?" ngising sabi ko, parang bata naman siyang kumamot sa batok niya na parang nahihiya..

"E-eh.. kase.." napapakagat sa labing sabi niya, hinawakan ko ang baba niya saka pinisil ang pisnge niya..

"Don't worry.. Hindi naman magagalit si Ate! Support ka lang ni Ate!" Ngiting sabi ko, ngumiti siya saka niyakap ulit ako..

"Nakakailang kang tawaging Ate. By the way, yung mga regalo ko. Ginagamit mo ba?" ngiting sabi niya, tumango ako..

"Mm.. Kesa naman itambak ko sa bahay? Sayang din.. O siya, baka nagugutom na sila Meane doon.. Alam mo naman 'yon, masyadong matatakaw!"

Ngumiti siya at saka niyakap ulit ako. Ginulo ko ang buhok niya at tahimik na hinalikan ang noo nito.. Kumaway siya at ako naman 'tong ngumiti lang.

Pagkalabas ko ng canteen ay nakita kong nakakrus ang dalawang braso, matalim ang tingin sa akin at talagang nakataas pa ang kilay.. Walang iba, nag-iisa.. Si Bading na ubod ng arte..

Ang Tibong Inlove |Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon