CHAPTER 61

319 18 0
                                    

RC's POV

Matamlay ako paggising ng umaga, gano'n din ang tamlay ko pagpasok. Feeling ko kasi magiging tahimik kami ng mga bakla. 

Habang naglalakad ako ng tahimik ay napalingon na lang ako bigla doon sa isang bench sa may bandang likod na C.R kung saan sinabunutan ng Jona ang Tubercio. 

Napanguso tuloy ako nung makita kong magkakasama sila pero pare-parehong nakayuko. Ako naman ay naglakad papunta doon at dahn-dahan naman silang napatingala sa akin na ikinahaba lalo ng nguso ko.

"MGA BAKLAAAA!" sabay-sabay naming tili at nagyakapan na habang nagtitinalon pa na parang mga tanga.

Si Jp ay umakto pa kunwaring umiiyak na ikinatawa ko ng mahina. Mahigpit kong binigyan ng yakap si Rj at isinubsob ang pisnge sa dibdib niya na tinanggap niya din..

"Bakla, sorry kung sinabunutan kita, ha? Saka yung mga sinabi ko? Sorry talaga doon.. Mali yun.." sinsero kong paghingi ng tawad at tumingala pa sakaniya pero ngumiti lang siya at tumango.

"Oki lang.. Sorry din kasi sinolo ko si Tomboy. Hindi naman dapat talaga gawin yun.."

"Hindi, bakla.. Wala sa'yo yung problema, nasa amin.. Well, nagselos kami and hindi naman dapat! So sorry sa mga sinabi ko.. Hindi mo man makakalimutan yun, pero sorry talaga.." si Jp naman ang nag-sorry.

"Hays.. Mga bakla, tama na ha?" ngusong ani naman ni Jona kaya napangiti kami. "Okay lang namang mag-away pero 'wag naman yung sobrang seryoso. Mag-away tayo sa lafangs o kaya sa make-ups pero yung ganitong situation? No.. If possible sana, pigilan na natin yung sarili natin. Okay?"

"Yeah, tama tama!"

"'Wag din nating hayaan na maagkasiraan ang friendship natin dahil lang sa babae or lalaki. Okay? We promised to stick together no matter what happened to us, right? Hindi babae o lalaki ang makakapagpatibag sa atin, okii?"

"Yesss!" sabay-sabay naming sigaw at nagtawanan pa..

Magsasalita pa sana ako para sana magbiro nung kalabitin ako ni Alline. Kaya napalingon ako sakaniya.

Nakita kong nakatitig siya sa harapan at gano'n din ang mga bakla kaya taka kong binalingan ng atensyon iyong tinitignan nila.

'Anella..'

Halos manlamig ang buong katawan ko nang makita si Tubercio na nakatitig sa aming mga bakla, suot-suot ang blangkong mukha niya. May nakakabit na itim na wired earphones sa tenga niya habang nakapamulsa siya.

Ilang minuto niya kaming tinitigan hanggang sa tumalikod na siya at naglakad papalayo.

Nagkatinginan kaming mga bakla after non..

"Oh, you're here, Kuya! Si Kuya Albir ay mamaya na lang daw sasabay 'pag lunch break. Nag-aaral pa, eh!" bungad agad sa amin ni Baklang Alrine. Nandito kami sa cafeteria kung saan kami madalas na. After ng ilang oras naming pag-papractice, deserve naman namin ng pahinga.

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now