CHAPTER 59

307 20 0
                                    

Jp's POV

"Ay.. tulog?" sabay-sabay naming sabi nila Rj nang makarating kami sa cafeteria kung saan namin napagkasunduan lahat na kumain. Doon nga namin naabutan yung mga bruhilda na may kaniya-kaniyang hawak na notebooks and reviewers. Ang iba sakanila ay kagat ang dulo ng ballpen at mukha ng stress.

At si Honey. Si Anella. Natutulog siya.

Nakapatong ang mga braso niya sa lamesa habang nakahiga ang ulo doon, mahimbing nanatutulog. Nakaladlad din ang mahaba at paalon niyang itim na buhok at pakiramdam ko tuloy ay napakakomportable niya doon dahil sobrang ganda niyang tignan doon saposisyon niya. Usually kasi, kapag nakakakita ako ng mga natutulog na fersons, some of them is hindi komportable kung titignan. Parang nahihirapan or nangangalay.

"Pati ba naman sa cafeteria, review pa din? Hindi ba uso sa inyo ang chill muna?" biro ni Fafa Gerald sa apat na bruhilda na sabay-sabay siyang binigyan ng masamang tingin. Nakatanggap pa siya ng pambabato ng nakarolyo na mga papel galing kay Meane.

"Wala kang pake. Hindi uso sa'min yun, kaya manahimik ka.."

"S-sorry na.. Galit ka naman agad, eh.."

"Dahil kanina ka pa." pandidilat niya na ikinaangat ng dalawa kong kilay, first time ko siyang makitang magsungit eh.. Akala ko kasi, hindi marunong magtaray 'yang bruhilda na iyan dahil sa hinhin niya. "Ikaw, Gerald ha.. Umayos ka.. Baka gusto mong ma-knock out nanaman."

"Sorry na.. Galit agad.. Ano ba gusto mo? Milkshake? Ice cream? Cake?"

"Isa lang ang gusto ko."

"Ano?"

"Ang manahimik ka." matapos niyang sabihin iyon ay pairap niyang binalik ang atensyon sa notes. Si Fafa Gerald naman ay napaangat ang nguso at napailing na lang kagaya nung ibang Fafa's.

Kaming mga bakla naman ay sabay-sabay na bumaling kay Tomboyish na tulog pa din. Nagbangayan na iyong mga kaibigan namin pero hindi padin siya nagigising. Ang sabi sa amin ni Fafa Aldrin is malakas ang pandinig at pakiramdam niya pero bakit hindi siya nagising?

Or baka nagising siya pero hindi siya dumilat? Bale, half half lang..

"Baka gusto niyo alisin ang mga chaka niyong mata sa twinny baby ko?"

Aligaga kaming napa-ayos ng upo na para bang natataranta pa nang magsalita bigla si Alrine na wiz ko naman knows na nakatitig sa amin!

Nang bigyan namin ng tingin si Baklang Alrine ay nakataas ang isang kilay niya habang nakakrus ang mga braso.. Mataray pa nga ang tindig niya na tila may hindi siya nagugustuhan sa ipinakita naming kilos..

Pero iba naman ang dating ng tingin sa amin ng mga fafa's. Nakatitig na sila sa amin habang suot-suot ang mga malolokong ngisi..

"Mmmhmm.."

Sabay-sabay kaming napalingon sa gawi ni Tomboyish nang marinig na napa-ungot siya.. Dahan-dahang gumalaw ang katawan niya at napaangat na ang katawan..

Sinandal niya din ang likod sa upuan niya bago napasuklay sa buhok niyang humarang sa mukha niya nung gumalaw siya. Lahat kami ay pinanood lang ang susunod niyang gagawin dahil baka naaalimpungatan lang siya.

Ang Tibong Inlove |Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon