CHAPTER 56

273 24 0
                                    

Jonathan's POV

Napahinga ako ng maluwag nang makaalis si Julzia dito sa court na tinataguan namin, kasama ko ang mga fafa at ang Camille.

"Tara!" sigaw ni Fafa Kenlite, agad na tinakpan ni Babecakes ang bibig nito dahilan para mapigil ko ang tawa.. Nagtataguan kasi kami, tapos taya si Julzia. Sabi din nila, magaling si Julzia sa paghahanap kaya kailangan tahimik lang.

"Ang ingay mo! Hindi pa nakakalayo si Julzia!" inis na sabi nito. Natawa naman kami nang ngusuan siya ni Fafa Kenlite.

Nang tuluyan nang makalayo si Julzia,  napagdesisyunan na naming tumayo at silipin ang labasan ng court para siguraduhin kung wala na nga ba siya.

Nang masiguradong wala na siya ay sabay-sabay kaming napahingang malalim. Finally! 

Nagkaayaan kaming umupo sa bench doon sa may court at nagsimula nang magchikahan.  "Tigilan mo nga ang kakanguso pre, mukha kang bibeng nawalan ng pakpak," natatawang sabi ni Fafa Gerald dahil hanggang ngayon ay nakanguso padin na parang pato sj Fafa Kenlite.

"Kayo kasi eh, pinagkakaisahan niyo ako, porke wala si Dairsy ko dito?! Ha!"

"Asa ka pa pre, hindi ka type non,"

"Napakasama niyo talaga sa akin! Edi kayyyyyyyyy," mahabang pag-iisip niya, nagpigil nanaman kami ng tawa,"Anell na lang!"

"MALAKING ASA, ang sasabihin niya sa'yo kapag nagising siya, hahaha! Si Anella pa? Alam mong asar talo ka do'n ha," ngising sabi ni Babecakes..

Habang nagkukwentuhan ay napabaking ako bigla doon kay Camille na nakikitawa. Doon ko lang din naiangat ang kilay dahil sa pagkakaalala ko ay kaaway siya ni Tibo dahil Campus Princess din siya.

"Bakit ka nga pala nandito? 'Di ba, magkaaway kayo ni Tibo?"

"Hindi na."

"Really? Ha, bakit?"

Bumuntong-hininga siya at tumingin sa malayo.. "Nung time na.. binantaan niya kami, 'di ba umuwi yung mga Campus Prince at Campus Kings.." pagputol niya, tumango ako at hinarap ang katawan sakaniya. "Natakot ako sakaniya. Blangko nga ang mukha niya pero 'pag tinignan mo ang mata niya ay kahit anong oras lalabas ng apoy," nangingising sabi niya.

"Oh, then?"

"Sinabi ko na.. ayaw ko ng maging part ng grupo na 'yon, naging alipin ako nila Kira. Ako ang pinakakawawa.. Nakikita niyo na ako ang pinakamakapal magmake-up, pinakamapang-asar, ginawa ko 'yon kasi inutos sa akin nila Kira 'yon,"

"Bakit mo sinunod? Gaga ka pala eh," mataray na sabi ko at nang inambahan ko siya ay agad siyang napaiwas..

"Sila kasi ang tumulong sa akin para makasali sa Campus Princesses," ngiting sabi niya, natigilan naman ako. "Bata pa lang ako, pangarap ko ng maging prinsesa pero nung naging Campus Princess ako.. Feeling ko, hindi ako karapat dapat. Sumama ako sa mga kapwa kong prinsesa na masasama ang ugali," natatawang sabi niya pa. "Nung time na sabihin kong ayaw ko na sa grupo na 'yon, todo tago ako. Ilang araw din akong 'di pumasok, alam kong hinahanap nila ako pero dahil nga napapansin nila Mommy na hindi na ako pumapasok, pinilit nila ako.."

Ang Tibong Inlove |Season 1Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz