CHAPTER 25

381 20 0
                                    

Anella's POV

Mag-aalas syete palang ng gabi nang magising ako dahil naalimpungatan ako nang marinig na umiiyak si Litlit. Umupo agad ako at hindi na nag-abala na intindihin ang magulo kong buhok saka siya inilagay sa mga braso ko't hinele-hele.

Gan'to kasi ang naging routine ko sa pang-araw araw simula nung dumating sila Litlit. Hindi ko din naman maibigay si Litlit kay Manang Peni dahil may ginagawa siya. Hindi lang naman pagluto ang ginagawa niya dito sa mansion. Bilang Mayordoma ay kailangan niya ding bantayan ang ginagawa ng ibang kasam-bahay namin.

Kaya bilang halos naging pangalawang ina na nila Litlit ay inako ko na ang bunso na ako na ang magbabantay at mag-aalaga.

Naging mas sensitibo ako sa paligid dahil nung nakaraan ay pinacheck-up namin si Litlit dahil baka may naapektuhan sa katawan niya. May edad na si Manang Peni nung ipinanganak niya si Litlit kaya posibleng magkaroon siya ng sakit.. But then, thank God dahil wala naman daw. Healthy parin. Basta, iinom siya ng mga vitamins at mga bakuna na kailangan para sa mga bata.

Nang mapansing kumalma na si Litlit ay napatingin ako sa orasan sa may tabi lang ng pintuan ko. Muli kong sinulyapan ang nasa braso ko at marahang tumayo para ilagay siya sa may crib niya na nasa tabi lang ng kama ko. Panandalian ko lang siyang ihihiga doon dahil alam ko namang magigising din siya matapos kong maghilamos.

Matapos kong maligo ay katulad ng inaasahan ko ay nagising din si Litlit at nakatulala lang siya habang nakaupo. Nang mabaling niya ang tingin sa'kin ay umungot siya kaya agad ko siyang nilapitan at kinarga siya.

Agad kaming bumaba at dumeretso sa may dining area.. Wala pang mga pagkain doon dahil medyo maaga-aga pa. Pumasok ako sa banyo kanina ng mag-aalas syete at nung lumabas ako ay mag-aalas otso na.  Madilim na rin ang ang kalangitan.

"Oh! Kakagising mo lang?" napatingin ako doon sa nagsalita at napangiti, si Manang Peni.

"Ah oho.. Nagising ako sa iyak ni Litlit."

Napatango naman si Manang at tumingin sa anak niya. Pinagmasdan ko siyang buhatin ang anak at pinaulanan ito ng halik na agad nitong ikinahiga sa balikat niya, naglalambing..

"Si Mommy saka Daddy, Manang?" tanong ko habang tumitingin sa paligid, hinahanap ko yung ibang maids dahil himala na hindi pa sila lumalabas ngayon. Usually, kapag bababa ako dito madami na sila dahil may kaniya-kaniya na silang gagawin.

"Pumunta sa mall. Bibili daw ng damit ng mga bata.."

"Gabi na, ah.. May kasama ba silang guards?"

Tumango lang si Manang kaya hindi na ako masyadong nag-alala.. Kampante na akong marami silang kasamang guards na sigurado naman akong mapoprotektahan sila.

Iniwan ko muna si Manang at si Litlit sa kainan at saka pumunta kila Letlet na naabutan kong nasa sala.

"Hi, Letlet.. Lotlot," bati ko, sabay naman silang napalingon sa'kin at nakangiting tumayo.

"Hi po, Atemommy!" sabay nilang bati.

Napatango-tango ako at inabot ang dalawa kong kamay.. "Tara.. Aayusin na muna natin yung kwarto niyo.."

"Talaga po??"

Nakangiting tumango ako at nagpahatak sakanilang dalawa.

Ang kwarto kasi nila Letlet at Lotlot ay hindi nailalayo sa kwarto ko. Ang kwarto ni Letlet ay nasa tabi ng kwato ko at ang kay Lotlot ay sa tapat lang. Para kapag may kailangan sila sa'kin ay kakatok na lang sila at 'yon na..

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now