CHAPTER 40

334 19 7
                                    

Anella's POV

LUNES!

'Pagod nanaman.'

"Anella! Tara na!" sigaw ni Kuya mula sa baba, napairap na lang ako sakaniya at dere-deretsong sumakay sa motor ko..

Pinauna ko na sila dahil iniit ko payung makina, kesa naman maghintay pa sila. Baka kumulo 'yan si Kuya Aldrin, grabe pa naman 'yan kapag kumukulo dugo niya..

•C B A•

Nagmamadali na pumanhik ako sa library dahil kailangan ko pang i-review yung notes ko for Quiz mamaya.. Malapit na din kasi ang Examination namin para sa 1st quarter kaya nagtatanbakan ang quizes ng mga faculties.

Kumuha ako ng Filipino at English book dahil 'yon ang merong quiz ngayon saka na ako umupo sa may pinakamalaking upuan..

Kinuha ko din ang notes ko sa notebook at sinabayan na din iyon ng mga nakasulat salibro para mas matandaan ko. Ganito ako ng way ng pagrereview. Madalas ay titignan ko lang at maaalala ko na lang na para bang ini-screenshot ko. Pero hindi pa kasi ako nakakapag free up space kaya wala akong space for screenshot.

Habang nasa gitna ako ng pagbabasa ay bigla nalang akong napatigil nang makarinig ng mga yapak pero kalauna'y hindi na lang pinansin dahil baka ibang mga estudyante uyon na magbabasa din. Hindi ko naman pag-aari ang silid-aklatan na ito para magdamot, tss.

*BOG!*

Napalingon ako sa gilid ko nang may narinig na kalabog doon. Napakunot ang noo ko at napasulyap sa librarian na napatigil sa ginagawa habang nakatingin na sa akin.

Napapilig ko na lang ang ulo at pinaliit ang mga mata.. Wala naman akong makitang ibang tao dito, kundi iyong librarian lang pero bakit nararamdaman ko na may presensya ng mga tao?

Pasimple akong suminghot paramaamoy kung may tao nga at nang umabot sa pang-amoy ko ang pinaghalo-halong amoy ng pabango ay doon ko lang napagtanto na may tao nga pero nasaan sila? Wala naman kasi akong nakikita..

*BRIIIIIIIZ! BRIIIIIIIZ!*

Napatingin ako sa cellphone ko nang magbavibrate ito at nakita ko ang pangalan ni Mamshe na tumatawag sa akin.

"Hmm?" bungad ko..

"[Asaan ka?]"

"Nandito. Sa library."

"[Anong ginagawa mo d'yan?!]"

"Ano bang ginagawa sa library? Naglalaro?" sarkastikong sabi ko..

"[Sabi ko nga.]"

"Eh, bakit napatawag ka?"

"[Wala ka kasi dito sa classroom kaya tinawagan kita.. Pumunta ka na dito, baka dumating na si Miss Avegail.]"

"Ah, sige sige.. Tapos na rin naman ako magreview, eh."

"[Sige sige. Hintayin ka na lang namin.]"

"Ge." at pinatay ang tawag..

Nilagay ko sa bulsa ko ang cellphone ko at inayos ang mga librong ginamit at nilagay sa mga kinuhanan..

Ngumiti sa akin yung librarian bilang pagpaalam, ako naman 'tong tumango at sinuot na ang bag ko sa balikat ko saka na lumabas.

'Kung kaming dalawa lang nung librarian sa library? Eh, ano yung narinig kong mga yapak? Malakas din ang pakiramdam ko na may mga presensya ng tao doon.. Tsk, hayaan na nga.'

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now