CHAPTER 4

522 25 0
                                    

Anella's POV

Nang makarating kami sa school ay pinauna ko na sila Meane. Gusto kong tumambay sa garden.. Bukod kasi sa field ang pinaka-nagustuhan ko sa school na 'to o sa academy na 'to, tuwang-tuwa din ako sa garden dahil napakarami kong nakita'ng bulaklak. Kaya nga garden, eh.

Pagdating ko sa garden ay umupo agad ako sa pinakamalaking puno at nagpahinga.. Pakiramdam ko, napagod ako kahit kaonti'ng lakad lang ang nagawa ko. Siguro, yung lalamunan ko talaga napagod. Hindi kasi ako sanay na oras-oras nagsasalita.

Pinikit ko ang mga mata.. Tutal maaga pa naman at mag-aalas-sais kami pumunta dito at eight pa ang simula ng klase namin. Napagdesisyunan ko mun'ang mag-idlip.

Pinagkrus ko ang aking dalawang braso at ang isa kong binti ay pinatong ko sa paa ko. Buti na lang at nakapantalon muna ang mga transferees at next week pa ang uniform namin..

Habang nakapikit ay bigla'ng humampas ang hangin pero sakto lang.. Ang sarap sa pakiramdam ng dinulot ng hangin na iyon. Sariwang sariwa at kaginha-ginahawa.. Masarap sa tenga ang sumisipol na hangin, ang mga dahon humahampas sa sari-sarili nitong mga sanga. Ang mga damo na sumasabay sa direksyon ng hangin na nagpaginhawa pa sa akin..

Napakunot ko saglit ang noo nang maramdaman ang mga mainit na mata na nakatuon sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at sakto non ang nagtama ang mga paningin namin nung mga beki..

Nakataas ang mga kilay nila habang nakakrus ang mga braso.

Napatagilid ko saglit ang ulo at ngumisi ng tipid. Hindi ko na lang sila pinansin at tumayo. Nagpagpag pa ako at sinad'yang dumaan mismo sa harap nila.. Pero, hinarang nila ako.

'S'yempre..'

"Ang lakas ng trip mo, ghorl. Sa garden ka pa natulog." ngising sabi nung mapisnge'ng bakla..

Nang sandaling tumapo ang paningin ko sakaniya ay napatigil ako at matagal siyang tinitigan. Naningkit ang mga mata ko na tila may inaaaninag sakaniya..

'May kamukha ka..'

Nagkibit-balikat na lang ako at bumuntong-hininga.. Aksidente naman akong napatingin kay Bading at tinitigan siya. Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"What are you looking at!?"mataray na sabi niya.

"Makikidaan.." walang gana'ng sabi ko..

"Bakit dito?"

"Bakit naman hindi?"

"Sa kabila ka na lang. Nagpapapansin ka nanaman."

Napasinghal ako sa hangin at natatawa'ng tumingin sakaniya..

"Anong tinatawa tawa mo? Ang pangit mo, 'wag kang tumawa!" masungit na sabi niya..

"Pwede umalis ka? Kasi dadaan ako, eh." nauubos na pasensya'ng sabi ko.

"Doon ka sa kabila.. Papansin ka sa'kin? Sorry hindi tayo talo at wit kita type.. Chaka na kalabasan, chaka pa kalooban at isa pa.. 'Wag mong ubusin ang time mo sa pagpapapansin sa aketch dahil 'di naman kita papansinin duh! You're a girl not a man duh!" napatulala ako sakaniya at hindi makapaniwala'ng tumitig sa kaniya.

Ang Tibong Inlove |Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon