CHAPTER 21

366 21 0
                                    

Alline's POV

Pagkagising ko ay naligo at nagbihis agad ako. Pagkalabas ko naman ay sakto ring paglabas ng Baklitang Rc na walang make-up tanging liptint at blush-on lang.

Nagbeso kami at sakto ring lumabas yung tatlo na nakamake-up na lalong lalo na si Jona, s'yempre.. Siya pa.

"Agora gora na!" aya  ni Baklang Jp..

CBA Parking Lot•

Isa-isa kaming mga bakla na lumabas ng kotse namin at sa saktong pagkadikit-dikit naming lima ay may bigla na lang humarurot na Yamaha ang tatak na motor na pure black..

Nagtaasan ang mga kilay nila Jp, Jona at Rj dahil soon.

Kasabay ng motor na 'yon ang ang pagsunod-sunod na pagpark ng mga mamahaling kotse na nanggagaling kila Aldrin.. Bumaba sila Aldrin at yung mga bruhilda kasabay nila syempre.. Si crush, Gerald!

Sa harap namin ay ang babaeng naka-itim ang polo at dark blue na checkerd na palda na hindi lalagpas sa tuhod..

Napataas ang kilay ko at tinignan ang pang-yapak niya. Ang suot niya ay black shoes na kumikintab, halatang nilinis.. 

Tinanggal niya ang helmet na para bang isang model. Dahil sa pagtatanggal niya non ay parang bumagal para sa'kin pero mabilis naman talaga.. Isinuklay niya ang buhok patalikod na nakaladlad lang. Bahagya pang umalon..

'Ooooh!'

Maangas na bumaba siya sa motor niya at pinagpagan pa ang sarili. Sinulyapan niya kami pero nilagpasan rin at naglakad na papasok..

"Tara na." yaya niya..

"Pst, Anella! Teka!" si Gerald

"Ba't?" naiwan silang dalawa dahil yung mga kaibigan nila ay nakapasok na..

"May tatanongin lang ako.. Tara dali!" at hinatak si Anella papasok..

Napatingin ako kay Baklang Rc sinusundan ng tingin si Anella..

"Oh, gaga!" singhal ng Jona at binatukan ang Rc, nakatulala kasi..

"Nakatulala ka nanaman! Jusme ka!"

"Eh, sa twing nakikita ko siya natutulala ako.. Para kasing hinulog siya ng langit para sa akin!"

"Paano ka naman nakakasigurong para siya sa'yo, aber?" taas ang isang kilay na tanong ni Baklang Jp..

"It's a secret baklita! Che!"mataray na sabi niya at naglakad pakendeng-kendeng sa loob..

Anella's POV

Tuwang-tuwa ako dahil pinayagan ako ni Daddy na magmotor!

Ulit!

Ipinatigil niya ako noon, nung mga kinse ako. Siguro ay dahil sobra akong magpaharurot at pamuntikan pa akong mabangga ng sasakyan at ang sasakyan na 'yon ay nakapaloob si Daddy, buti na lang naihinto ko kaagad.

Kaya, ayun!

Napakagat ako sa labi ko habang hindi na mapigil ang ngiti ko saka ko tinanggal ang itim na takip ng motor kong tatak Yamaha at R6 pa.

Napaglaro ko ang dila sa dila saka marahang hinaplos ang upuan non at ang ibang parte non na hanggang ngayon ay kumikintab parin.

"Nice to see you again, Bobby.."ngiti kong bati at sumakay na doon.

Ang Tibong Inlove |Season 1Där berättelser lever. Upptäck nu