CHAPTER 19

378 19 0
                                    

RJ's POV

Ewan ko kung bakit pero parang nakaramdam ako ng inis kay Baklang Rc kanina sa ginawa niya. Wiz ko alam kung bakit.

Baka wala lang talaga ako sa mood kanina.. Minsan talaga ganp'n ako magtantrums.

Habang nasa gitna kami ng pagsasayaw. Napasulyap ako kay Rc at pasimple siyang binangga. Hindi lang naman ako ang bumangga sakaniya eh, pati si Baklang Jp din..

Lumipas ang ilang oras ay natapos na kami sa pagpapractice nang hindi man lang kami nagpapansinan at nang makauwi papunta sa room namin dito sa mansion ng Baklang Jona ay nagpalit kami.

Pagkalabas ay sabay-sabay kami umupo pero walang pansinan.. Ang awkward ng atmosphere!

"Girls! Ano bang nangyayari sa inyo?!" inis na sabi na ni Jona..

Walang sumagot..

"Kanina habang nagpapractice tayo.. Akala niyo hindi ko napapansin? Hindi ko napapansing parang nagbabanggan kayo kanina habang sumasayaw?! Ano bang problema niyo!?" inis paring sabi niya pero nakayuko lang kami at nagkukotkot ng mga kuko. "Tapos ngayon! Gan'yan! Walang pansinan! Sabihin niyo yung totoo! Ano bang nangyayari sa inyo!?"

"W-wala naman.." sagot ko at ni Alline

"Anong wala?! Sabihin niyo nga! Yung totoo!"

"Wala nga, Mujer!" si Jp naman yung sunod na sumagot. Ni hindi namin magawang magtinginan sa mga mata.

"Oh ikaw, RC!? Isa ka pa! Ano! Tell me nga ano bang nangyayari sa'yo these past few days??"

"Wala n-naman, Girl."

"Anong wala?! Naiinis na ako, girl! Ano bang nangyayari sa'yo! Napapansin kong minsan ka nalang magmake-up. Akala mo ba hindi ko napapansin?! Tapos parang komportbleng komportable ka d'yan sa uniform natin! Sabihin mo nga nagiging otoko ka na ba!?" galit na sigaw ni Jona, napailing lang si Rc. "Sagutin mo! At eto pa! Napapansin kong lagi kang nakatitig sa Tibo! Tapos kanina may pasandal-sandal pang nalalaman! Yung totoo sagutin mo!"

"Ang alin!? Ang alin!? Ano ba, Jona!" sigaw din ni Rc, parang napipikon na siya kaya napakunot ko ang noo.. That's the first time I saw him frowning.

"May gusto ka ba kay Tibo!?"

Gulat kaming tumingin kay Jona nang tanungin niya yun, sabay baling nman ng tingin kay Rc, inaabangan ang sagot niya..

"A-ano bang sinasabi mo d'yan!?"

"Sagutin mo, Rc! May gusto ka ba kay Tibo?!"

"OO! MAY GUSTO AKO SAKANIYA! ULITIN KO PA?! OO, GUSTO KO SIYA!" sigaw ni RC na nagpagulat lalo sa amin!

'W-what..??'

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now