CHAPTER 12

401 19 0
                                    

JP's POV

Masarap pala kausap 'to, eh pero naiinis parin ako..

"Ikaw naman! Medyo bawal 'to sa minor."

"Hm, sige lang!" maangas niyang sabi at tinitigan kami.

"Ilan ang kiss?"

"Isa lang syempre pero smack lang.. Sa pisnge,"

'Seryoso?'

"We, hindi nga?" parang hindi pa naniniwala na tanong ni Rc..

Napangiwi si Tomboyish at bumuntong-hininga.. Pinamasdan niya isa-isa ang mga mukha namin at napakunot sagpit ang noo.. "Pansin ko wala 'ata kayong make-up ngayon?"

"Meron ako.. Liptint saka eyeliner at blush-on!"si Rc

"Ako rin.. Pulbo at liptint lang!"si Alline

"Me naman.. Eyeshadow and liptint lang.. Maganda na ako sa simple, syempre!" s'yempre akesh at nagflip hair pa!

"Tss.. Pangit tignan sa mga lalaking matatangkad ang may make-up tsk tsk tsk! Ang pupula ng mga labi niyo.. Ang pupula rin ng pisnge niyo hays! Mukha kayong mga jumbo hotdog.." nakangiwing biro niya kaya napaikot namin ang mga mata. Gusto ko sana siyang hampasin, kaso 'wag na lang. Baka tumalsik 'to, eh.

"Hoy! Ikaw din naman, ah! Mapula rin ang pisnge at lips mo! Ikaw 'tong makapal ang make-up!" pagpansin ni Rc sa mukha ni Tomboyish. Nang tignan ko ang mukha niya ay tama nga si Rc, namumula ang pisnge niya. Iyong pilik-mata niya naman ay nakakulot at ang labi ay mapula na basa.

"Oo nga!"

"Hoy.. Hindi ako nakamake-up."

"Weh?! Sinungaling!"

"Seryoso ako. Wala akong make-up.."

"Nagsisinungaling ka, eh!"

Inis na ngumisi siya at umiling-iling.. "Bigyan niyo 'ko, wipes. Dali.. Papatunayan ko sa inyo na hindi ako nakamake-up."

"Gaga, wala kaming dalang wipes! Yung bag namin nasa room."

"Iniiwan niyo yung bag niyo sa classroom?"

"Oo, bakit ikaw? Hindi?"

"Hindi. 'Yoko nga."

"Eh, bakit hindi mo hawak yung bag mo ngayon?"

Napatingin naman siya sa kandungan niya at nangibit-balika. "Nakila Julzia, eh.."

"Ah, okay.."

Sinundan naman namin siya nang tingin nung tumayo siya at nagpagpag pa. "Tara.. Kumain na tayo,"

Napangiti kami at tumayo na. Inilahad ni Tomboyish ang palad kay Baklang Alline na nagpasalamat at hinampas ng pabiro ang braso niya. Napasinghal naman si Tomboyish habang nakangisi.

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now