CHAPTER 46

297 18 0
                                    

Anella's POV

Kanina pa kami dito sa café wala parin si Kuya Aldrin, katabi ko sa kanan ko si Kuya Albir at sa kaliwa naman ay si Kuya Alrine..

"Anell! Kinakabahan talaga ako!" tili ni Mamshe at kumapit sa braso ko saka inihiga ang ulo sa balikat ko..

"Bakit naman?"

"Malapit na kasi yung pageant! Tsk! 11 days!" nakangusong sabi pa niyaat umarte na parang naiiyak...

"Oo nga! Ang bilis talaga ng panahon! Tsaka oras!"

"Wala naman kayong dapat ikakaba d'yan."

"Seriously, Anell? Campus princess ang kakalabanin namin,malakas kapit nila sa mga judge niyan!" parang problemado na sabi ni Orene at uminom sa juice niya.

"Aanhin mo ang malakas na kapit kung gagalingan niyo?"

"Bi.. Sige sabihin na nating ginalingan namin, binigay na namin yung best namin pero talo kami kung malakas kapit non sa mga judge, 'di ba?"

"Guys, ano ba kayo? Kaya niyo 'yan! Gusto niyo ako magmake-up sa inyo! Pero syempre isa-isa lang! Chi-cheer ko pa kayo!" si Kuya Alrine, bumuntong-hininga naman ako at saka tumingin sakanila..

"Look, isipin niyo.. Nakasalalay sa inyong apat ang kabutihan ng academy na'to. Sa oras na mag-isip kayo ng kung ano-ano.. Talagang matatalo kayo.." saad ko, hindi sila nakasagot. "..mananalo kayo kung magtitiwala kayo sa mga sarili niyo, guys! Hindi lang para sa ikabubuti ng academy na'to ang nakasalalay sa inyo.. Kung hindi kayo rin.. 'di ba pangarap niyong maging reyna? Eto na 'yon.."

"P-pero, Bunganga.. Baka hindi kami manalo?"

"Okay lang na 'di manalo basta naenjoy niyo, naranasan niyong maging reyna kahit sa stage lang pero kung pursigido talaga kayong manalo, susuportahan ko kayo.."

Ngumiti sila saka bibigyan ako ng yakap, tinapik ko ang mg balikat nila saka ginulo ang mga buhok..

Nang makaupo sila sa mga upuan nila ay saktong bumukas ang pintuan ng café. Laking pasasalamat ko nang sila Kuya 'yon, kasama ang mga bakla..

Kanina pa kasi kumakalam 'yung t'yan ko, kakahintay sakanila.. Tss.

Umupo sila sa tabi namin except kay Kenlite at Lance na oorder ng pagkain namin..

"Ang tagal niyo naman 'ata, Kuya??" mataray na sabi ni Kuya Alrine.

"Tinignan pa kasi namin yung mga with honors, eh.."

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now