CHAPTER 3

625 27 0
                                    

Anella's POV

Matapos ang paulit-ulit na pagpapakilala. Ay masasabi kong pwede na akong mawalan ng boses. Hindi na yata nagpahinga ang bibig ko sa pagpapakilala, tss.

Niyaya na nila akong pumunta sa canteen at namangha ang mga kasama ko nang makita ang napakalaking canteen na akala mo ay restaurant.. Marami ng tao at maraming nakaupo sa lamesa, marami naman lamesa kaya lahat ng estudyante ay magkakasya..

Umupo ako kasama si Meane sa pinakadulong upuan yung may aircon. Sila Julzia at Mamshe nalang daw ang mag-oorder.

'Asan na kaya sila kuya?'

Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala akong nakita'ng Kuya Aldrin. Sa dami ba naman ng tao, parang makikita ko naman sila agad-agad kahit pa sabihin kong nandito sila.

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na sila Mamshe na dala na ang mga order..

Konti lang ang akin dahil sumasakit tyan ko.. At wala rin akong gana dahil masakit ang lalamunan ko. Habang kinakain ang sandwich ay...

"Oh, my gosh! That's annoying!!"

"Oh, crap! The war na 'ata 'to!"

"'Yan nababagay sa mga papansi'ng katulad niya!"

"Yeah right! Ayan! Kinalaban niya ang maling tao! Hahahahahahaha!"

Rinig kong chismisan ng iba..

Alam niyo kung bakit?

Nakaramdam ako ng lamig at lagkit dahil sa juice na binuhos sa akin. Nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan ko at napatingala..

'Sino pa bang gagawa? Edi si Bading na maarte..'

Nice!

Orange pa naman din.. White ang t-shirt ko.

'Naks.. Ayus 'yan,'

"Hoy, ano bang problema niyo!?" sigaw ni Mamshe..

Tinignan niya ako. Tinignan ko din siya at sinenyasan na 'wag na..

Tumayo ako at humarap sa Bading na nasa harap ko.. Himala walang kasama'ng alipores.

Nakangisi siya sa akin habang hawak ang baso'ng pinaglagyan 'ata ng juice na tinapon sa akin..

"Anong problema mo?" mahinahong tanong ko at pinagkrus ang mga braso. Hindi ko yun inaasahan, napakabilis ng pangyayari.

"You! Ikaw ang problema ko dahil nga paepal ka.. ginantihan lang kita."

"Ah gano'n ba? Ibig sabihin.. 'Di mo tanggap na natalo ka sa akin kanina kaya ginantihan mo ako ngayon?" ngising sabi ko natigilan naman siya at namula sa inis..

"Alam mo, ikaw! Napahiya ka na! Nagpapa cool ka pa. Eto tatandaan mo, Tibo ghorl.. Argh! Walang sino man ang balak bumangga sa akin!"

"Ah, okay. Tapos ka na ba?"

Napanganga siya at nairita.. Nakakatawa ang mukha niya dahil magkasalubong ang mga kilay nito..

'Gwapo ka sana.. lalambot-lambot ka lang..'

"Alam mo dapat ginagawa sa'yo?" tanong ko, napataas naman ang kilay niya ..

"Ano naman 'yon!?"

"Eto oh." ngising sabi ko at binuhos sakaniya ang gatas na pinabili ko na para sa akin dapat..

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now