CHAPTER 51

274 24 0
                                    

Third Person's POV

Nang makauwi si Alline sa bahay nila ay hindi pa din mawala sa isipan niya ang usapan nila ni Rj.. Hindi makapaniwala si Alline na pati si Rj ay magkakagusto kay Anella. APAT! Apat silang mga bakla na may gusto kay Anella, pa'no pa kung dumagdag ang Jona?

Tumingin si Alline sa picture ni Anella na nakasave sa phone niya. "Bakit mo ba ginagawa sa amin 'to, Anella?" hindi niya maiwasang mapangiti habang sinasabi iyon. Napahawak pa siya sa noo bago napailing-iling.

Ang puso niya ay tumitibok ng sobrang bilis at lakas na tilagusto na no'ng lumabas sa kulungan nito. Natatawang isipin ni Alline na nag-save talaga siya ng picture ni Anella para lang titigan ito magdamag, ang buong katawan niya ay parang kinikiliti sa tuwa..

'Ano bang ginawa mo, Anella para magustuhan kita ng ganito? ' Tanong niya sa isip, hindi niya maipaliwanag pero nararamdaman niyang gusto niya talaga ang babae na ito.

"Aamin ako sa'yo pero hindi pa ngayon.."

Talagang nababaliw na siya, ultimo pati litrato ay kinakausap niya, akala niya siguro ay sasagot 'yon.

Sa kabilang banda naman, si Jp ay katulad din ni Alline na tinititigan ang mukha ni Anella habang nakapalumbaba at nakangiti.

"Hayyy!" nakangiting sigaw niya.

Naalala niya yung mga moments nila na nagkukulitan pa, nag-aasaran, nagkakapikunan habang iniisip niya 'yon ay feeling niya kinikiliti ang malandi niyang puso.

"Ang landi mo talaga heartue! Tumigil ka!" saway niya na para bang sasagot ang puso at titigil. "Ano ba? Bakit ayaw mo tumigil?" pabebeng sabi niya at nagpinadyak pa..

Para na siyang nasisiraan ng ulo sa sitwasyon niya.. Kung may kasama lang siya, siguro iniisip na nito na may saltik siya sa utak. "Kita mo ang epekto mo sa akin? Pati heartue ko ay pinalalande mong merlat ka!" Parang nanunumbat pang ani niya sa mismong litrato ni Anella at..

"KYAAAAAAAAH!" malakas niyang tili at naapadyak-paydyak nanaman.

Sa kabila ulit, si Rc na hindi nalalayo ang sitwasyon sa dalawang bakla. Nakangiti ito habang iniisip ang bawat galaw ng pagsayaw ni Anella noong acquaintance party.

'Yon ang nagpahuli sa puso niyang gulong-gulo pa.. Nang katitigan niya ito nung nagsayaw silang dalawa ay talagang kinikiliti ang tiyan at puso niya, kinikilig ba, yung tipong pwede na siyang maglumpasay sa sahig sa sobrang kilig?

Napatingin siya sa picture nila ng dalawang babae na kababatang kaibigan, hinihiling na sana sa susunod na tignan niya ulit ang picture na 'yon ay kasama niya na ang mga kababata lalo na ang kuneho niya..

Nakangiting tumulo ang luha niya dahil sa pagkamiss sa dalawa, buti na lamang at nand'yan si Anella para pasayahin ang buong pagkatao niya, nababawasan ang hinanakit at pagkakamiss sa dalawang kaibigan..

"Sana.. Mahanap ko na kayong dalawa, lalo ka na kuneho ko.. Miss na miss na kita, excited na akong makilala mo si Tubercio.." ngiting sabi nito at hinalikan ang litrato na iyon sabay mahigpit na niyakap.

Si Rj naman ay napakalalim ng iniisip,pwede ka ng malunod kapag sumisid ka ng biglaan.. Iniisip niya si Anella, nag-aalala na baka pag umamin siya ay iwasan siya nito at hindi na pansinin.

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now