CHAPTER 52

261 19 0
                                    

Anella's POV

Kinabukasan, pagkagising ko palang ng umaga ay si Irene agad ang hinanap ng dibdib ko. Matapos kong makaligo ay bumaba, doon ko na nga nakita si Irene na nakaupo lang sa sofa sa may sala, nakatulala.

Matagal ko siyang tinitigan bago ko napagdesisyunan na pumasok sa dining area kung saan naabutan kong kumakain ang mga parents at grandparents ko, kasama na din sila Ate Eleyna.

"Good morning, my little pumpkin!" ngiting bati ni Lola Kirina sa akin kaya ngumiti din ako sakaniya. Pinatakan ko siya ng halik sa noo at gano'n din ang ginawa kay Tanda.

"Do you want to eat with us?" tanong ni Mommy pero umiling lang ako.

Agad kong binuksan ang pintuan ng refrigerator para kumuha ng cookies at fresh milk doon na nilagay ko pa sa heater para mainitin saka na ako nagpaalam na lalabas na.

"Musta?" tanong ko kaagad kay Irene nang makaupo ako sa tabi niya, iyong mga bata ay nasa play room kaya libre ako ngayon pra kay Irene.

Bumaling naman sa gawi ko ang ulo niya at napangiti. "And'yan ka na pala, good morning.."

"Mm, kumain ka na ba?" tumango siya. "Ang lalim 'ata ng iniisip mo, ah?"

"Ah wala. Naalala ko lang yung kagabi," nakayukong sabi niya kaya napatitig ako sakaniya. Naghawak ang mga kamay niya at pinagsaklob pa iyon.

"Okay lang ba sa'yo na.. mag-advice ako?"

"Go on.."

"Alam kong hindi madali pero kailangan mong kalimutan yung taong nagpasaya at nakasanayan mo.."

"Pero papaano, Anell? Hindi ko pa kaya, pa'no kung hindi ko talaga siya makalimutan, hindi 'to madali.."

"Hindi ko naman sinabing hindi mahirap 'to, 'di ba?" mahina ngunit sapat para marinig niya na sabi ko. "Irene, naiintindihan kita. Sa una hindi mo pa kaya pero kapag tumagal nang tumagal, mararamdaman mo na lang na masaya ka na.."

Tumingin naman siya sa akin at sumandal sa sofa. "Anell, pa'no ba maging masaya? Pwede mo ba akong turuan man lang?"

Parang piniga ang puso ko nang marinig ko na sakaniya ang paggaralgal ng boses niya na tila maiiyak na siya.. Saglit kong naiwas ang tingin sakaniya nang magsimula nang kumislap ang gilid ng mga mata niya..

"Ang makaramdam ng ligaya ay hindi natututunan, Irene.." iiling-iling kong sabi.. "Minsan sa buhay, kailangan mong hayaan yung sarili mo na pahingahin at 'wag pagudin,"

Nanahimik naman siya pero narinig ko na ang mga mahihina niyang hikbi.. Pabagsak niyang inihiga ang ang ulo sa balikat ko kaya ako 'tong kusang inakbayan siya at tapikin ang balikat niya..

"Ang makaramdam ng ligaya ay kumukusa, hindi natututunan--hindi natuturo. Kapag sinabi ng puso mo na masaya ka, masaya ka. Hayaan mo yung sarili mong sumaya ng kusa."

Hinayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak habang nasa bisig ko siya. Masakit sa akin na marinig ang bawat hikbi niya at ang mahigpit na kapit niya sa dulo ng damit ko na tila isa siyang bata na naiwan ng magulang niya sa isang parke.

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now