CHAPTER 62-LINGGO NG WIKA

446 22 4
                                    

Jonathan's POV

"Wow naman, baby! You're poganda today!" tili ni Mommy habang inaahos ang make-up ko na pang-igorot dahil 'yon ang sinabi ni Alline na ayos.

"Ay, wow.. Thanks, My!" ngiting pasasalamat ko at nagflyring kiss pa sakaniya na ikinabungisngis niya. Nung matapos na niya akong make-up-an doon na ako tumayo at napahawi sa bangs ko na nakaangat. May iilang hibla kasi na kumakawala, eh. Gel, ano na? Pagod ka na agad?

"Oh.. wow! You look fresh ngayon, ah!?" mahinang hampas ni Ate Jela sa braso ko na ikinatawa ko at maarte siyang binawian ng mahinang hampas din. "Linggo ng Wika niyo pala, 'no? Can I come ba? To watch?"

"Yeah, sure! Why not, 'di ba?! Saka, need ko ng mga cheerleaders doon.."

"Yes! Makikita ko nanaman si M!" tuwang-tuwa niyang ani kaya napangiti lang ako ng tipid.

"M?" litong tanong naman nila Mommy and Daddy..

'I think ang tinutukoy ni ate na M is si T-tibo. hays!'

"M, it's the---"

"--Jela." putol ni Kuya Jelo kay Ate na napatingala sakaniya, nagtataka kung bakit siya pinutol ng Kuya. Pero nung nagkatitigan sila ay naptikhim si Ate sa hindi ko malamang dahilan.

"O-oh sorry, I forgot! M is Anella."

"Oh, really? That's unique, huh?" ngising sabi ni Mommy.. "Bakit M?"

"First letter of her second name.. Which is Maene.." sagot ni Kuya Jelo at ngumiti pa.

Nang matapos ang pagchichikahan naming lima ay pumunta na agad kami sa academy para makahanap na din daw sila ng pwesto. Kapag kasi medyo late kaming pupunta, mahihirapan na silang makahanap ng magandang pwesto sa sobrang daming tao ang dumadalo. 

"Okay, Mommy, Dad! Kuya and Ate! Here na me, okay?" paalam ko sakanilang apat.

"Alright! Wear your costume na, ha?" paalala sa akin ni Mommy dahil black t-shirt palang ang suot ko at black leggings, na-kay Jp ang costumes namin dahil siya ang naka-assign doon. 

Pagkapasok ko sa loob ng room, makalat ang paligid dahil naghahanda na ang iba naming classmates. May iilan sakanila na nagpapractice ng sayaw at may iba namang nagkukwentuhan lang..

Sila Bakla naman, as usual.. Naabutan kong kasama ang mga fafa's na nagsusuot na ng costumes. Nakangiti akong pumunta sa gawi nila at bumati pa sakanila nang pagkasigla-sigla.

"Hi mga frennies and fafa's!!! Dito na ang magandang Jona niyo!"

Imbes na bawian ako ng pagbati, binigyan nila akong lahat ng matagal na tingin, I mean titig.. Titig na akala mo naman hindi nila ako kilala.. Hello! This is the most beautiful mima in the universe! Jona! Yoo-hoo!

"Why? May dumi ba sa fezlak ko?!" Nappanguso kong sabi dahil hindi talaga nila tinatanggal ang tingin sa akin.

"Is that you, Jona?" nalilitong sabi nila.

"Yes! The prettiest!"

"Ikaw nga 'yan. Bakit ganyan 'yang mukha mo!?" nakalukot ang fezlak n sabi ni Baklang Rc!

"Bakit? Mali ba ang pagkakamake-up!? ang sabi ng Alline, gan'to e! Halos pare-parehas lang naman tayo!"

"Hindi sa gano'n gaga! Look at your face! You look so HANDZOMEEE!" hampas pa sa akin ng Jp.. 'Ay, sasampalin ko toh!'

"Mga loka-loka! Since when pa kayo natutong magsinungaling, huh?!" taas ang isang kilay na sabi ko at nagsuot na ng costume.. Napatingin pa ako kila Fafa na saktong napatingin din sa akin.

Ang Tibong Inlove |Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon