CHAPTER 30

386 20 0
                                    

Anella's POV

Nakaupo ako dito sa bench ng field habang pinapanood ang mga nagpapractice na grade 10, wala 'kong magawa eh.

Nakita ko naman sila Julzia na papalapit sa akin at nakipagbeso pa, nginiwian ko siya pero hinayaan ko lang din naman.

Sunod naman si Kuya na hinalikan ako sa noo at ginulo pa ang buhok ko kaya inis ko siyang sinuntok sa balikat at inayos ang buhok ko.

Ayaw ko sa lahat ay yung ginugulo ang buhok ko.

Napatingin ako kay Bading at nagulat ako nang makita si Litlit.. Pumunta sa akin si Bading at binigay si Litlit.

Kinarga ko si Litlit at pinatong sa mga hita ko.. Tuwang-tuwa siya habang pinaglalaruan ang necktie ko.

"Bakit nandito si Litlit?" nakangiting baling ko kila Julzia..

"Ginising daw ni Gerald saka Kenlite.." tatawa-tawang sabi niya..

Kaagad nawala ang ngiti ko at bumaling ng masamang tingin sa dalawa na ngayo'y naka-iwas ng tingin at pasipol-sipol habang sumasayaw na para bang hindi nila napansin ang tingin kong 'yon.

'Mga siraulo talaga 'to, e..'

"Ginising ka ni Ninong Gerald saka ni Tito Kenlite?"tanong ko kay Litlit, narinig ko naman ang tawa ng dalawa na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. "Hayaan mo mamaya.. Sasapakin ko yung dalawa tapos gigising sila sa ospital bukas, ha?" nakangiting sabi ko at sinulyapan pa yung dalawa na napapalunok.

Pina-ayos ko ng upo si Litlit at nilabas ang cellphone ko.. Ise-search ko sana ang pambatang kwento kaso inagaw ni Julzia at nagpipindot.

Binigay niya kay Litlit ang cellphone ko at nagulat ako nang makita ang mukha namin.. Vlog niya to.. Tumingin ako sa tittle at:Enchanted Kingdom...

Napalingon ako kay Julzia at Mamshe... Nakangisi silang dalawa sa akin...

Tumingin ako sa video at.. "T-teka! Kuya!! Ayoko!!!!!!" sigaw ko sa video..

Nagpigil naman sila ng tawa. Ang suot ko doon ay sando na itim at checkerd jacket.. Itim na pantalon at boots, nakashades na itim pa ako..

Kita ko ang sarili ko doon. Nakaupo habang pinipigilan ang braso ni Kuya na pilit akong dinadala sa isang mapagsumpang rides.

Yun yung time na pinipilit nila akong pasakayin sa viking! Eh! Parang tumataas ang pwet ko 'do'n.. Kung wala nga yatang hawakan 'yon baka tumalsik na ako sa ere, eh.

"K-kuya! Ayoko nga!! Mommyyy kooooo! Daddyyyyyy! Kuya, ayoko putek na 'yan!!! Wahhhhhhhhh! Ayoko sabeeeeeee! Papatayin kita, Kuya! Tignan mo!! Ihuhulog kita d'yan, Kuya!!! Ayoko ngaaaaa!" sigaw ko ulit do'n at nakaupo na talaga..

Nagtawanan naman silang lahat, samantalang ako napapangiwi na lang dahil tumataas na yung anger level ko sakanilang lahat.

Hindi ko alam kung ano bang mga nakain nila at ako ang pinupuntirya nilang asarin ngayon. Nananahimik ako palagii tapos.. Tapos nawala yung video at napalitan ng mukha ni Julzia...

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now