CHAPTER 2

833 28 0
                                    

Anella's POV

Nagising ako ng mga 6 am at naligo.. At ngayong araw ang unang klase sa bago kong papasukan na paaralan. At dahil bago lang na estudyante ay natural na civilian muna dahil wala pa akong uniform. Ginagawa pa lang.

*Kringggg! Kringgggg!*

Julizia is Calling..

"Oh, bakit?" bungad ko kaagad sakaniya..

"[Galit ka ba?]" nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko nang sumigaw siya.

"Hindi naman.. Bakit napatawag ka?" sabi ko habang pababa..

"[Papasok ka na? Sabay na tayo?]"

"Ge.. Kasabay natin si Kuya, ah.. At saka tawagan mo na rin si Bi, si Mamshe Dairsy." pagtutukoy ko sa dalawa pa naming kaibigan.

"[Sige sige.. babye!!!]"sigaw niya at pinatay ang tawag..

Tumingin ako kay Manang na hinahanda ang mga plato. Ngumiti siya sa'kin at inalalayan ako sa pag-upo.

"Si Kuya, Manang?" tanong ko dito at sumubo ng kanin at itlog..

"Naliligo pa, eh.." tugon naman niya. 'Di na ako sumagot at nagmadaling kumain..

Hindi pa lumilipas ang dalawang minuto nang makarinig na ako ng pagsipol at mga halbang paibaba sa hagdanan, papunta sa kinaroroonan ko.

"Hi, Suplada! Tara na.. Alis na tayo!" Si Kuya.

"Hindi pa 'ko tapos kumain, aalis na kaagad?"

"Kasalanan ko pa??"

"Sinisi kita?"

"Hindi. Tara na! Mala-late tayo!"

Napatingin ako kay Manang na napailing-iling. Napa-irap ako kay Kuya.. Hindi ko siya sinunod at tinapos ng pagkain ko, sabi ni Manang sa'kin kailangan daw ubusin ang mga nasa hapag-kainan.

Matapos kumain ay dumeretso kaming dalawa sa may parking lot, doon na nakaabang ang sasakyan na sasakyan naman. Nauna naman akong sumakay sa passenger's seat.

"Kuya, sasabay daw sa'tin sila Payatot."

"Ah, gano'n ba? Sige.. Tawagan mo na, tapos sabihin mo pakibilisan tapos sabihin mo din na--"

Ang pagbaling ko sakaniya ng tingin ang nagpatahimik sakaniya, itinikom niya pa nga ang bibig na tila nababasa na na wala ako sa mood para pakinggan ang kadaldalan niya. "Ang ingay mo, manahimik ka.." masungit na sabi ko at dinial ang number ni Julzia. Nakakadalawang ring palang ay sinagot niya na.."Antagal mo.. Nandito na kami sa labas ng bahay niyo."

"[Eto naaaa!!!!]"sigaw niya, binaba ko naman ang tawag at saktong dumating na siya at kumatok..

"Buksan mo na lang!" inis na sabi ko.. Binuksan niya 'yon at tinawagan sila Mamshe Dairsy at Meane

Pumunta kami sa bahay nilang dalawa at sinundo sila haabang nasa kotse ay nagmemake-up na sila. Puro lang naman light ang make-up nila. Simpleng pulbo lang at liptint.

Ang Tibong Inlove |Season 1Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα