CHAPTER 9

439 21 2
                                    

Alline's POV

Pagkagising ko ay agad akong naligo at nagbihis, tumingin ako sa mirror ko at..

"Ang ganda ko talaga! "

Nagsimula na akong magmake-up at ang kinalabasan ay lalo akong gumanda! Hmm! Hindi ko na pinagtuonan ng pansin ang bawat halik na ibinibigay nila Mommy sa'kin dahil sanay naman ako. Pagkarating ko sa CBA, syempre nandoon na din ang mga bakla.

Sila ang pinaka-the best na friends! Sa totoo lang. Hindi ako masyadong maarte katulad nila actually, may part naman sa'kin na mabait and serious.

"Oh, bakit ang pangit mo 'ata?" ngising biro ni Baklang Rc, inirapan ko naman siya.

"Shut up ka nga!" mataray na sabi ko. Habang nandtio kami sa parking ay dumaan ang blue na bulgarri at nakita namin ang sumunod pang apat na kotse na kulay itim, pula, puti and gray..

Bumaba ang bebe ko Gerald at ang mga FAFA ng baklang Rc, Jp at Negra. Ang wawafu.

Kaso nawala ang ngiti ko nang bumaba sa backseat ang isang 2 inch na black na shoes at nakauniform.. Napatingin ako sa mukha nito at yung isang matangkad na kasama nila 'yon. Tumingin siya sa akin at ngumiti sabay alis ng tingin..

'Ewww!'

Bumaba din ang kasama nilang chubby and maliit na nakauniform.. Sumunod na bumaba ay ang bebe ng mahabaging Jona.

Napangiti kami pero nawala iton nang mabuksan yung pintuan ng passenger's seat ay nakita namin ang Anella na nakaoversized t-shirt siya na itim and black pants then a cotton shoes na itim.

'Hindi masyadong mahilig sa black, 'no??'

Nakaponytail siya at naka-cap na nakapabaliktad.

'Para talaga siyang madculine lesbian..'

Pero, kung titingin sa mukha at mata niya. Hindi mo siya pagkakamalang Lesbian kasi naman, aaminin kong naghuhumapaw ang kagandahan niya. Para siyang may make-up dahil ang perfect nung eyelid niya. Akala mo may eyeliner siya tapos yung labi niya, kahit pa medyo panguso ang pula and basang-basa pa. Napaghahalatang walang naging jowa.. Natural ang pagiging makinis ng mukha niya!

Pero hindi naman siguro siya Lesbian, boyish lang talaga siya. As long as hindi niya sinisiwalat na Lesbian siya, hindi ko siya tatawaging Lesbian. Kami kasi, kahit hindi na isiwalat na beki kami, eh!

"Tara." yaya ni Fafa Aldrin.

Agad na nagpauna sila bebe ko at sumunod ang Fafa aldrin kasabay ang mga kaibigan nung Anella. Sinundan ni Anella ng tingin ang mga kasama niya at dahan-dahang tumingin sa'min..

Tinaasan namin siya ng kilay. Nilagay niya ang parehong kamay sa bulsa at tinignan kami ng nakangiwi.. Maangas ang dating niya doon. Dumagdag pa ang putok sa labi niya.

"Ano bang tinitingin-tingin mo?!" pagsusungit ni JP sakaniya.

Nagkibit-balikat lang siya at naglakad ng kalmang kalma. Nang mawala siya sa paningin namin ay napasinghal ako sa hangin.

"Feeling ko hindi ako nakahinga, girl." bulong ni Baklang Rc sa"kin..

"Hindi ka nag-iisa, girl!" bulong ko pabalik sakaniya..

"Nakakapagpakulo ng dugoooo!"inis na sabi ni Rj at ni Jona.

Nang makapasok kami sa classroom ay nakaupo na ang aming mga bebe. Awkward lang kasi 'di kinikibo ni Fafa Aldrin si Jona. Sino bang hindi magpapansinan kung ang intense ng nangyari kahapon!

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now