CHAPTER 33-ACQUAINTANCE PARTY PT.2

350 19 4
                                    

Rj's POV

Talagang napanganga kami kanina sa sayaw ni Tomboy! Ngayon ko lang siya nakitang sumayaw kaya nakakamangha. Plus pa yung paglapit niya. Hindi kami gano'n kalayo sa table nila Dairsy dahil halos nasa likod lang nila kami. At kitang-kita namin kung paano kumindat si Tomboy sabay ngiti pa!

At nung pumasok siya kanina ay hindi mo siya pagkakamalang bubrusko-brusko dahil babaeng-babae ang mukha niya.. Yung feeling na, nagtransform siya bilang isang dyosa!

Napangalumbaba na lang ako habang hindi maiaalis ang tingin sa mukha niya. Kanina ko pa soya tinititigan at hindi ko alam kung bakit sa twing gusto kong iiwas ay kusa din akong bumabalik sa mukha niya.. Medyo nakatagilid kasi siya sa amin pero nasa harap namin sila.

*POK!*

"Ano ba?!" inis na daing ko at napahawak sa ulo ko nang batulan iyon ni Baklang Jp at Rc.

"Hoy! Baka nakakalimutan mo! Akin 'yan!" pandidilat na sabi ni Rc kaya napairap na ako sakaniya.

"Wala akong pakielam.. Masama bang titigan?! Paepal ka eh, 'no?!" inis na sabi ko at tinarayan ulit siya at bumalik sa pagkakalumababa ko at tumitig ulit kay Anella.

"Students. Now is the time for the dance.. Ito na yung pinakahinihintay niyo, ano? Ha? 'Wagna kayong maghintay o magchikahan d'yan! Ito na ang oras para makasayaw niyo ang mga crushes or jowabels niyo!" bigla na langna sulpot ng Host o M.C sa stage kaya nagsihiyawanna ang lahat. Sila Fafa Kevin ko ay isa-isa nang inaya sila Dairsy na agad pumayag. 

Nakita ko naman na tumayo si Fafa Aldrin at magalang na inilahad ang palad sa tapat ng nakababatang kapatid na saglit iniyukod ang ulo at tinanggap iyon saka na sila pumunta sa gitna para magsimula ng sumayaw.

Mula sa kinauupuan ko ay kita ko kung paano magiliw na sumayaw yung dalawang nagkapatid na Repzimo na animo'y dalawa silang nasaisang palasyo. Dinaig pa nila ang mga prinsesa't prinsesa sa Disney Movies.

Matapos non ay inihatid na ni Fafa Aldrin si Anella sa upuan nito at sunod na inaya yung Irene na nakangiting tinanggap ang alok ng Fafa.

Akala ko, yun na lang yung huling sayaw ni Anella but natitigilan akong napatingala kay Rc na tumayo at buong tapang na pumunta sa pwesto ni Tomboy at inilahad ang palad niya.

Sabay-sabay kaming nagkatinginan nila Alline at muling tumingin kila Rc. Dahan-dahang umangat ang ulo ni Anella at tinitigan si Rc na tila natitigilan. Ibinaba niya din ang tingin sa palad ni Rc at doon na umangat ang palad niya't marahang inipatong iyon sa palad ng Bakla!

'What.. the.. heck?'

Hindi lang kami ang na-shock sa ginawa ni Rc dahil pati iyong fanboys and fangirls niya ay nagulat nung makitang sumasayaw na sila sa gitna.

Nagtatawanan sila at nakita ko pang initik ni Tomboy sa noo si Rc na napanguso pa na parang pato!

Ilang minuto lang ay umupo na sila at ang Baklang Rc ay parang nasa langit dahil ang tamis tamis ng ngiti habang nakatitig sa Tomboy pero unti-unting nawala ang ngiti niya nang biglang tumayo si Baklang Jp at niyaya din si Tomboy..

Inalalayan niya din si Tomboy tumayo at dalhin sa gitna, halatang nag-uusap din sila at nagkakatuwaan din..

'Mga bakla!'

Ang Tibong Inlove |Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon