CHAPTER 11

432 23 0
                                    

Jonathan's POV

F R I D A Y

Ngayon ay ang oras ng P.E namin sa field, baseball ulit.. Sinuot nanamin ang P.E uniforms at syempre ako ang pinakamaganda.

Ang problem ko lang is si Babecakes. Hindi pa rin kami nagpapansinan, oh 'di ba.. Magjowa 'yan? Ihh!

Malay ko ba naman kasing magkapatid pala sila ng supladang 'yon? Psh!

Pinapila kami and gumora sa field. Pagdating sa field ay may nakita kaming mga grade 9 students na.. Sumasayaw?

Pinalapit kami ni Sir Algapa doon sa gawi nila, yung teacher namin sa P.E.

"Uhm, you're the grade 9 students?"

Napatigil sa pagsasayaw ang mga grade 9 at pinatay ang tugtog. "Ah, opo! Good morning po, Sir Algapa "bati nila..

"Good morning din.. So, sino ang leader niyo at nasaan?"

"Ah, bumili po ng tubig namin--Oh! Nandyan na po pala siya!" sabi nung girl na kanina pa nakatingin sa amin..

Tinignan namin yung sinasabi nilang leader..

Dahan-dahang humarap sa gawi namin yung sinasabi nilang leader at gano'n na lang kabilis lumaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino 'yon..

'Si Tibo!??'

Lumapit siya at tumingin kay Sir Algapa.. Nilagay niya sa parehomg balakang ang kamay na parang otoko at tumango kay Sir Algapa.

'Aba! Ano, tropa?!'

"Good morning, Sir Algapa.. So, anong maitutulong ko sa iyo?"

"Ah! MagP-P.E class sana kami kaso nagpapractice pala kayo!"

"Ah, kung gusto niyo ho ay lilipat na lang ho kami ng location.. Baka ho nakakaabala kami!"

"No no! Hehe! It's okay.. Maglalaro sana kami ng baseball kasi naudlot nung isang araw kasi 'di ba? Umulan. Pero sige lang, magpratice na kayo.. Marami pa naman ang oras na mayroon kami, manonood na lang kami."

Napa-ikot ko ang mata dahil doon. Inis kong pinagkrus ang mga braso at bumuntong-hininga..

"Nagkakaroon ako ng interes na manood dahil ngayon ko lang nakita na tila seryoso ang mga kaklase mo sa pagpapractice.."

"May dance teacher kaming matino, eh! Sino bang magpapakatigas pa?"

"Uh-huh.. Let's see!"

'What a pathetic human being..'

"Ngayon ko lang nalaman na marunong pala siya sumayaw.." bulong ng baklitang Negrang Rj

"Leader lang hindi dancer itsosera ka!" ganti kong bulong at binatukan pa siya, napaawang naman ang labi ko nang bawian niya din ako ng pambabatok..

"Gagawin ba nilang leader 'yang si Tomboy kung hindi siya dancer? Walang dance leader na hindi marunong sumayaw!"

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now