Prologue

418K 6.8K 2.8K
                                    

Kenzo Alfonzo Arenas Herrer





Mula sa pagkakatitig ko sa aking laptop ay napaayos ako ng upo ng pumasok ang aking secretary.

"Doc Kenzo, you have a minute before your next appointment with Ms. Seraphine Serrano of Zuellig Pharmaceuticals" anunsyo niya sa akin na kaagad kong tinanguan. Mabilis siyang nagpaalam sa akin. Napahilig ako sa aking swivel chair bago ko niluwagan ang suot na neck tie.

Here she comes. Here comes the great Seraphine Serrano who dumped me 8 years ago because he wants a future bussinessman over me, who is just a doctor. Napahilot ako sa aking sentido, bakit ako ang kinakabahan? Siya dapat ang kabahan. Siya ang nang iwan, siya ang umalis.

Napataas ang tingin ko ng bumukas at sumara ang pintuan. Iniluwa nuon ang aking bestfriend na si Fideliz. Kaagad kong nakita ang galit sa kanyang mga mata. Tamad ko siyang tiningnan, alam ko na kaagad kung anong ikinagagalit niya.

"You will let her?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Napaayos ako ng upo at kaagad na tinukod ang magkabilang siko ko sa ibabaw ng aking lamesa.

"Nandito siya for her products. Walang problema duon Fidez. Sa mga gamot niya ako interesado" seryosong sabi ko pero hindi siya nakinig sa akin. Kitang kita ko ang sakit sa kanyang mukha.

"She will ruin you again Kenzo" parang maiyak na paalala niya sa akin. Tipid ko siyang nginitian para gumaan kahit papaano ang kanyang pakiramdam.

"I won't let her. This is just a pure bussiness Fidez go back to your rounds. Your patients needs you" paalala ko pa sa kanya pero napabuntong hininga lamang siya.

"Please Kenzo, do it right this time...8 years had passed" paalala niya na mabilis kong tinanguan. Muli akong napapikit ng mariin nang marinig ko ang paglabas ni Fidez mula sa aking clinic.

Napabuntong hininga ako at kaagad na napatayo. Pagod akong dumungaw sa may binta. Why so fucking nervous Kenzo? Tumunog ang intercom.

"Doc Kenzo, papapasukin ko na po si Ms. Serrano" anunsyo ni Linda ang aking secretary.

Kumalabog ang dibdib ko ng marinig ko ang pagpihit ng door knob. I have cold feet, ni hindi ko magawang lumingon.

"Good morning Doctor Kenzo" malumanay na bati niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagwawala ng kung ano sa aking katawan. Boses pa lamang niya iyon. Boses pa lamang at ganuon na ang epekto sa akin. 8 years at ganuon pa din ang epekto sa akin, may epekto pa din siya sa akin kahit pa sinaktan niya ako at iniwan sa ere.

Napabuntong hininga ako. Inipon ko ang lahat ng lakas ko para lingonin siya. Tumigas ang mukha ko ng tuluyan ko ng makita. Napatitig ako sa kanya at ganuon din siya. Kita ko ang tinatagong takot sa kanyang mga mata.

Ganyan nga Sera, matakot ka.

Hindi ko pinutol ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa siya ang unang bumitaw ng hindi na niya kinaya. Ganyan naman palagi, siya naman talaga ang unang bumibitaw. Diyan siya magaling.

"How can I help you Ms. Serrano?" tamad na tanong ko sa kanya. Pilit ipinaparamdam na hindi ko siyang gustong nanduon.

Napakagat siya sa kanyang pangibabang labi. Natataranta niyang inilabas ang folder mula sa kanyang bag. "I'm here para maintroduce ang mga bago naming products..." nahihirapang paliwanag niya. Napangisi ako na ikinagulat niya. Kita kong masyado siyang kinakain ng kaba. Masyado siyang guilty. It runs all over her face.

"Am I so intimidating to make you stutter? Para namang wala tayong pinagsamahan niyan" mapanuyang sabi ko sa kanya kaya naman kita ko ang pagtaas ng isa niyag kilay.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now