Special Chapter

187K 5.1K 1.7K
                                    

Satisfied











"Ang laking pakwan niyan ah" patuloy na pangaasar sa akin ni Augustine tukoy sa tiyan kong masyado daw malaki para sa normal laki nito para sa limang buwan.


Inirapan ko siya habang nagtutulak ako ng push cart sa may grocery store. Nginisian niya ako at siya na mismo ang nagtulak para sa akin.



"Kain tayo ng Pizza mamaya, ginugutom nanaman ako. Tsaka ng pasta..." sabi ko sa kanya habang panay ang tingin ko sa box ng mga cereals para kay Kianna at para na din sa akin. Kaso tangina, halos agawan ko ng almusal ang anak ko dahil sa pagiging patay gutom ko sa cereals these days.



"Oo na, Oo na" tamad na sagot niya sa akin kaya naman napanguso ako.


Pinanlakihan ko siya ng mata. "Si Ducusin pa din ba yan o yung bagong internt sa may Jimenez law firm?" tanong ko sa kanya.


Muli siyang napabuntong hininga kaya naman napabungisngis ako at napailing iling. Hindi ako sanay na namomorblema si Augustine sa lalaki, sa pagkakaalala ko kasi ay ang mga lalaki ang namomorblema sa kanya.



"Wag mo na ngang ipaalala sa akin iyon. Masyado pa iyong bata para sa akin" irap niya kaya naman napanguso ako.


"Age doesn't matter. At sayo pa manggagaling? Ha! Hindi mo ako maloloko" laban ko sa kanya. What Augustine want, Augustine gets!


Matapos naming mag grocery ay dinala niya ako sa isang italian restaurant. Pagkatapo nito ay bibisitahin namin si Abby na focus sa pagiging may bahay niya.



"Dalawin na natin ang kaibigan mo. Baka magulat na lang tayo isang araw, losyang na iyon" sabi pa nito kaya naman natawa ako. Siraulo!


Matapos ang kasal namin ni Kenzo ay mas naging hands on din ako sa loob ng bahay. Kahit may mga kasambahay naman at nandyan si Yaya Annie para kay Kianna ay sinusubukan ko pa ding ako ang magaasikaso sa kanila.


"Tumawag si Daddy, hindi daw niya makontact ang Kuya Frank mo" salubong ni Kenzo sa akin. Abala ako sa pagtulong sa mga kasambahay na magayos ng pagkain sa lamesa para sa aming agahan.


Binitawan ko ang aking ginagawa at kaagad na lumapit sa aking asawa. Mabilis na pumulupot ang kanyang braso sa akinh bewang. Natawa kami ng kahit anong lapit niya sa akin ay nakaharang pa din sa amin ang aking tiyan.


"Tatawagan ko mamaya" sabi ko sa kanya habang inaayos ang kanyang necktie. May conference sila ngayon kaya naman masyadong formal ang kanyang suot, hindi katulad sa mga normal na araw na naka buttondown shirt lang siya at white coat.


Inabot niya ako para sa isang halik sa labi. Nagpaubaya ako at mas lalo pang tumingala para bigyan siya ng more access sa aking labi.


"Ang ganda..." bulong na puro niya sa akin matapos ang halik.


Pinagtaasan ko siya ng kilay kahit ramdam na ramdam ko ang paginit ng aking pisngi. "Uhmm...Alam ko" pagyayabang ko pa kaya naman napatawa si Kenzo at napakagat sa kanyang pangibabang labi. Aba! Maganda naman talaga ako!


Lumipat ang hawak niya sa aking bewang patungo sa aking sinapupunan. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya duon. "Baby, wag papahirapan si Mommy" pagkausap niya sa anak naming nasa loob pa ng sinapupunan ko. Bahagya siyang yumuko para halikan ito. Ang sweet ng gago, kaya palaging may award eh! Good boy.


Napatigil kami ng bumaba si Kianna. Nakasuot na siya ng uniform. Nakangiti siyang lumapit sa amin. Yumuko si Kenzo maging ako para sa kanyang halik sa amin. Matapos iyon ay niyakap niya ako at hinalikan din ang aking sinapupunan.


The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon