Chapter 22

102K 2.8K 405
                                    

Utang na loob










Nanginginig ang aking mga kamay ng ibaba ko ang aking cellphone sa lamesa. Hindi ko man tingnan si Apollo ay ramdam  ko ang pagsunod niya ng tingin sa bawat galaw ko. Uminit ang gilid ng aking mga mata. Hindi ko napigilang mapasinghap, lumipad ang palad ko sa aking bibig.



"Sera, may problema ba?" nagaalalang tanong ni Apollo. Masyado akong preoccupied with my own thoughts kaya naman hindi ko na siya nasagot.


Bakit ba, mahirap para sa akin na maging masaya? Parang kanina ang saya saya ko dahil sa mga narinig kong sinabi ni Kenzo. Masyado akong naging masaya kaya naman heto ako ngayon, umiiyak naman. Bumigat ang dibdib ko, kumikirot ang puso ko sa tuwing iniisip kong, baka hindi ako deserving. Bawal ba akong maging masaya? Tangina naman!



Marahas akong napailing. Ramdam ko pa din ang masagang pagtulo ng aking mga luha. "I'm sorry, Apollo. I need to go" diretsahang paalam ko sa kanya. Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita. Mabilis akong umalis duon ay dumiretso sa aking dorm. Duon bumuhos lahat ng emosyon ko. Mas lalo akong napahagulhol.



Hihiwalayan si Kenzo? Lalayuan si Kenzo? Hindi ko kaya iyon! Isipin ko pa lang na hindi ko siya makakasama ay para na akong mamamatay. Mahal ko siya, siya lang din ang ramdam kong nagmamahal sa akin ng totoo. Inaalagaan niya ako, walang rason para ayawan ko siya.



Dahil sa bigat ng aking nararamdaman, hindi ko na namalayang tuluyan na akong kinain ng antok. Nakatulog ako habang umiiyak, mahigpit kong yakap ang aking unan. Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang marahang paghaplos  sa aking buhok.


"Hey..." paos na bungad sa akin ni Kenzo. Ramdam ko sa boses niya ang pagod. Kita ko din sa mukha niya ang lungkot, awa at pagaalala.



Umayos ako ng upo para mas lalo siyang nakaharap. Bayolente akong napalunok at kaagad na nagiwas ng tingin. Paniguradong ang panget ng itsura ko ngayon. Ramdam ko din ang pamamaga ng aking mga mata. Matapos kong umiyak ay natulog ako, paniguradong ang panget ng itsura ko ngayon!



Nawala lahat ang negatibong iniisip ko tungkol sa aking sarili ng maramdaman ko ang kamah ni Kenzo na humahaplos sa aking buhok, hanggang sa aking mukha. Malambing ang bawat niyang hawak sa pisngi ko habang mapupungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.



"Umiyak ka nanaman" puna niya, naantig ang puso ko ng naramdaman ko ang lungkot sa kanyang boses na para bang nasasaktan din siya dahil umiyak ako.


Hinawakan ko ang kamah niyang nakahawak sa aking pisngi. Hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal. "Wala ito..." pagsisinungaling ko sa kanya.


Alam kong hindi iyon tinanggap ni Kenzo. Pero sa huli, hindi niya ako pinilit na magsalita. Nirespeto niya ang kagustuhan kong manahimik na lang muna. Sobrang swerte ko sa kanya, kung si Kenzo ang magiging boyfriend mo. Wala ka ng hahanapin pa sa kanya. He always prioritize me. Ramdam ko iyon at nakikita ko sa bawat kilos niya.


Tell me, how can I let go of this guy?



Baka nga makipagpatayan pa ang ibang babae makuha lang ang spot ko ngayon. Wala akong ginawa para mapunta sa lugar ba ito. Si Kenzo mismo ang naglagay sa akin dito, siya ang pumili sa akin bilang girlfriend niya. Pinili niya ako para alagaan at mahalin niya. What can I ask for? Wala na.



"Kamusta na ang pagaayos mo ng requirements mo?" tanong ko sa kanya para maiba na din ang topic namin.


I see hesitations in his eyes na para bang, kahit hindi naman niya ako pinipilit ay naghihintay pa din siya na may sasabihin ako tungkol sa aking pagiyak. "Uh...ayos naman" seryosong sagot niya sa akin kaya naman tinanguan ko na lamang.



The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang