Chapter 21

110K 2.9K 570
                                    

Phone call









Tahimik kong pinanuod si Kenzo. Pagod niyang isinarado ang pintuan ng kanyang condo. Humahangos na lumabas si Fidez kanina. Hindi na siya nagpapigil pa kaya naman problema ang boyfriend ko. Nanatili ang mga mata ko sa sahig. Ramdam na ramdam ko pa din ang kabuuan ni Kenzo sa akin dahil sa ilang beses namin iyong ginawa.

Mahirap na ata talagang sumaya sa panahon ngayon. Ang bilis bawiin ng saya sa tuwing sumusobra. Kanina lang ay maayos pa kami ni Kenzo, pero ngayon heto at pareho kaming problemado.

"Uuwi na lang ako ng bulacan bukas"

Nagangat ako ng tingin sa kanya. Mabilis na sumalubong sa akin ang kanyang mapupungay na mga mata. Nakaupo siya ngayon sa sofa habang nakatingin sa akin. Para siyang greek god na nakaupo duon, halos lumiit tingnan ang sofa niya dahil sa laki ng kanyang katawan. Halatang alagang alaga sa gym at ang mga muscles niya ay nasa tamang lugar.

"No baby, you'll stay here" seryosong sabi  niya sa akin. Bayolente akong napalunok ng humilig siya sa sofa. Mas lalo kong nakita ang ganda ng kanyang katawan. Para akong nanalo sa loto sa tuwing inisip kong siya ang umaangkin sa akin. Ang kagaya ni Kenzo, ako lang ang nakakakita at nakakahawak ng katawang iyan!

"Come here" dahan dahan akong lumakad papalapit sa kanya. Parang isang aliping sinusunod ang kayang amo. Batas ang mga salita niya para sa aking katawan.

Mabilis niya akong nahila ng maabot ako ng mahaba niyang kamay. Napaupo ako sa kanyang lap dahil duon. Titig na titig pa din siya sa akin, uminit ang magkabilang pisngi ko dahil duon. Damn Sera! Pavirgin masyado!

"I'm sorry. Hindi mo na dapat narinig pa iyon" seryosong sabi niya sa akin. Halos mamanhid ang braso ko ng maramdaman ko din ang lambing sa kanyang boses.

Nagiwas ako ng tingin. "Una pa lang naman halata ko na. Ang manhid mo naman kung hindi mo nahalata yun kay Fidez" sabi ko sa kanya. Hindi ko siya sinusumbatan, nagpapaliwanag lang ako pero yung bitterness hindi pumayag na itago.

Tumikhim si Kenzo. Hinapit niya ako sa aking bewang kaya naman mas lalo akong napahilig sa kanya. Namahinga ang magkabila kong kamay sa kanyang dibdib.

"Paano ko pa mapapansin iyon? Nasa iyo ang buong atensyon ko" napanguso ako ng makita ko ang naglalarong ngiti sa kanyang labi.

"Nagagawa mo pa akong landiin, matapos magconfess sayo ng bestfriend mo" mapanuyang suway ko sa kanya.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa aking bewang. Inabot niya ang aking mukha at hinalikan ako sa pisngi. "Wag kang maselos, wala iyon sa akin"

"Ang kapal. Sino nagsabing nagseselos ako?" nakangising sabi ko sa kanya. Pagod na ako at inaantok pero alam kong hindi nakakatulog basta basta si Kenzo ngayon. Kailangan ko siyang samahan.

"Ayoko lang na magaway tayo dahil sa mga ganitong bagay. Wala kang proproblemahin sa akin tungkol sa ibang babae, Sera. I never been this so attracted, sayo lang ako ganito" paliwanag pa niya sa akin kaya naman napabuntong hininga na lamang ako.

Nanahimik ako. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa aking leeg. Ilang beses kong narinig ang paghugot niya ng malalalim na paghinga. Halatang may pinoproblema.


"Siguro kailangan niyong magusap ni Fidez" pagbasag ko sa katahimikan.


Naramdaman ko ang kanyang pagiling. "Kung magseselos ka lang, wag na" pagtanggi niya na ikinanguso ako. Siraulo, ako nga ang nagsuggest tapos magseselos ako?


The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon