Chapter 27

107K 3.7K 1.1K
                                    

For bussiness









Nanatili ang titig ko kay Kenzo, ganuon din siya sa akin. Walang kaemoemosyon ang kanyang mga mata ngunit mabigat iyon na tila ba naninimbang.


"Marry...what?" asik ko sa kanya. Hindi pa din makapaniwala.


Nagtaas siya ng isang kilay sa akin. Tangina talaga neto, ano to? Joke!?


"Marry me. Kung gusto mo talagang makuha ang manufacturing, bibilhin ko iyon. At dahil kasal ka sa akin, kung anong sa akin ay sa iyo na" seryosong paliwanag niya. Literal na nalaglag ang panga ko sa kanyang harapan. Seriously?


Kumunot ang noo ko, wala ako halos maintindihan. Ang sinasabi niyang kasal ay halos hindi ko na din maintindihan. Damn.


"Are you still inlove with me? Kenzo" matapang na tanong ko sa kanya kahit halos ngumuwi na ako dahil parang sa nakalipas na walong taon ay hindi ko inakalang maitatanong ko pa iyon sa kanya. Damn it, sinubukan kong mag move  on sa kanya sa walong taon na iyon, pero heto pa din ako. May parte pa din sa akin na nagdudusa, nalulunod sa mga maling desisyon ko nuon.


Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang kanyang pagngisi. Yung ngising nangiinsulto, aba'y hayop!


"Inlove with you? Not anymore, Ms. Serrano. Not anymore..." madiing sabi niya sa akin. Tumalim ang tingin ko sa kanya, nang makabawi mula sa kanyang pagkakangisi ay sinuklian din niya ako ng matalim na tingin.


"Then why the hell offer me a damn marriage?" giit ko sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi ng sandali niya iyong dinalaan para basain.


Bumaba ang tingin niya sa mga folder sa taas ng kanyang lamesa. Bumaba din ang tingin ko duon, anduon ba ang sagot? Wala naman.


"For bussiness, for convinience...I need a wife. I'm starting to build a name" seryosong sabi pa niya sa akin. Hindi ko magawang lunukin ang mga walang kwenta niyang rason.


Yes, part of me still love him. Pero I want to marry for love. Hindi ganitong parang laro laro lang, hindi nga natuloy ang kasal namin ni Augustine nuon para sa bussiness tapos iyon anv iaalok niya sa akin ngayon. Gago ba to?


"For bussiness? For convinience? For what? Parausan mo? Bed warmer?" tuloy tuloy na tanong ko sa kanya. May diin at galit ang bawat salitang binato ko sa kanya. Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin, ni hindi man lang natinag.


Natigilan ako ng makita ko kung paano dahan dahang bumaba ang tingin niya sa mukha ko patungo sa aking katawan. Kahit pa kalahati lang ang nakikita niya dahil sa pagkakaupo ko, nakakainsulto pa din iyon! Nakakabastos!


"If I want a bedwarmer, I can find better" proud na sabi ng hayop. Tangina!

Naikuyom ko ang aking kamao. At talagang sinabi niya iyon sa akin! Ibig sabihin, gusto niyang ipamukha sa akin na kayang kaya niyang humanap ng ibang babae. At better? Better than me? Makakahanap siya ng bedwarmer niya na better than me, eh tangina pala neto. Para namang gusto ko!


"Then, Let's stop this shit! Kenzo!" asik ko pa sa kanya. Yun naman pala, ano bang ipinuputok ng butsi niya diyan at may paalok alok pa ng kasal!?


"Humanap ka ng ibang babae, wag ako. Ang gamot ko ang inilalakad ko sayo hindi ang katawan ko o ang buong pagkatao ko" seryosong sabi ko sa kanya. Halos magpasalamat ako ng masabi ko iyon ng dirediretso kahit pa ang totoo ay gustong gusto ko ng maiyak sa harapan niya dahil sa sobrang inis.


The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon