Chapter 47

138K 3.9K 744
                                    

Kidnap






Inirapan ko silang dalawa. Kung ano anong pinagsasabi hindi ko naman maintindihan. Napabunton hininga na lamang ako at napasimsim sa juice, ang kaninang nakakunot na noo ni Cairo ay unti unting nawala. Napalitan ang galit sa kanyang mukha ng lungkot. Aba! Bumobroken hearted ang lolo niyo.

Nakita iyon ni Kenzo kaya naman hinapit niya ako lalo papalapit sa kanya at hinalikan sa ulo.

Narinig ko ang pagprotesta ni Cairo dahil sa ginawa ng kapatid. "Nah. Shut the PDA" inis na suway niya kay Kenzo. Napanguso na lamang ako, mga abnormal talaga.

"Move on Cai" nakangising sabi ni Kenzo sa kapatid pero mas lalong tumigas ang mukha ni Cairo. Kita ko ang kanyang pagkakatiim bagang.

"You can't let me do that" pinal na sabi nito kaya naman napakibit balikat na lamang si Kenzo.

Nagpasyang umalis si Cairo pagkatapos ng tanghalian. Humalik pa ito kay Kianna, pagkagatapos ay sa akin. Kaya naman mas lalo siyang natawa ng suwayin siya ng tinotopak nanamang si Kenzo.

"Ang ganda talaga ng mga taga bulacan" nakangising sabi niya sa akin at pagpaparinig naman kay Kenzo. Napatawa kaming dalawa ng marinig namin ang mahihinang mura nito.

"Find your own bulaqueña. Get the hell out of here" matigas na sabi ni Kenzo ag nagawa pang ipagtulakan ang kapatid palabas ng clinic niya.

"I have..." laban ni Cairo. Tumikhim si Kenzo.

"In your dreams, brother. In your dreams" pangaasar pa ni Kenzo dito kaya naman ayan nanaman ang protesta ni Cairo sa kanya. Napangisi na lamang ako at napailing.

Napahalukipkip ako at hinintay siyang maisara ang pinto. Busy si Kianna sa table ng Daddy niya at kinakalikot ang mga kung ano anong papel duon. Nakabusangot na humarap si Kenzo sa akin.

Ayan nanaman siya at parang batang lumapit sa akin, nakalahad ang kamay at ng tuluyang makadikit ay kaagad na yumakap. "Para kayong mga bata" nakangising sabi ko sa kanya.

Medyo napaiktad ako ng maramdaman ko ang hininga niya sa aking leeg. Pilit inuubos ang bango duon. "Bango..." mapangakit na bulong niya habang nakasubsob pa din sa aking leeg. Bahagya ko siyang kinurot sa tagiliran.

"Ouch" nakangusong daing niya sabay hawak duon sa kinurot ko. Medyo nakonsensya ako pero pinagtaasan ko na lamang siya ng kilay. Ang landi eh!

"Taga bulacan din yung girlfriend ni Cairo?" tanong ko.

Marahan siyang umiling. "Hindi niya girlfriend. Inaakit pa niya..." natatawang sagot niya sa akin. Hindi ko tuloy napigilang napangisi. Pero bumaba pa din ang tingin ko sa tagiliran niya, hinihimas pa din niya ito na para bang iniinda pa din niya ang sakit duon.

"Saan sa bulacan? Baka kilala ko?" panguusisa ko. Nagkibit balikat siya. "Nakalimutan ko na kung saan eksakto eh" sagot niya sa akin kaya naman inirapan ko na lamang siya.

"Wala namang kwentang kausap to" bulong bulong ko na narinig niya. Nagtaas siya ng kilay sa akin.

"Uh huh. Wait till I talk to you, on our bed later..." nakangising sabi niya. Napabuntong hininga na lamang ako at tsaka sinulyapan ang anak naming, kanina pa sumusulat sa prescription form ni Kenzo na para bang doctor siya.

Naging tahimik naman ang mga sumunod na araw. Mabuti na lang at hindi ko na ulit nakita si Mandee, pero alam kong hindi pa iyon ang huli. Masyadong maliit ang mundo, lalo na't nasa iisang field lang kami at nagtratrabaho din siya sa hospital ni Kenzo. Hindi ko naman pwedeng sabihan si Kenzo na ibanned si Mandee sa hospital, may mga pasyente din siya duon at hindi tamang isama ang personal issue sa kanilang profession.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now