Chapter 40

141K 3.8K 743
                                    

(Sera's POV)







Who is she






"Patay ang anak natin!" sigaw ko sa kanya at kaagad na napagagulgol. Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Hindi sana ganito ang inaasahan kong tagpo sa oras na aminin ko kay Kenzo ang lahat. Pero hindi na din kinaya ng dibdib ko. Ang sobrang kalungkutan, pagod at sakit ay naghalo halo na sa aking sistema.

"Patay na ang baby ko..." paulit ulit na sabi ko. Itinago ko ang mukha ko sa aking mga palad. Rinig na rinig ang paghagulgol ko sa buong condo ni Kenzo. Hindi ko na kaya, sobrang sakit na.

Napatigil ako ng maramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Hinawakan niya ako sa aking magkabilang braso. Dahil duon ay natanggal ang pagkakatakip ko sa aking mukha. Halos hindi ko na siya makita ng maayos dahil sa mga luha sa aking mata.

"Anong patay? Sinong patay?" madiing tanong niya sa akin. Kita ko ang pinaghalong gulat at galit sa kanyang mukha.

"Ang A-anak natin" pumiyok na sagot ko sa kanya. Kung hindi dahil sa pagkakahawak ni Kenzo sa aking ay paniguradong kanina pa ako lumupaypay ng upo sa may sofa.

Nagigting ang kanyang panga. "Sino ang nag sabi sayo niyan?" madiing tanong niya. Napanganga ako.

"Sino ang nagsabi sayong patay ang anak natin!?" mas galit na tanong niya sa akin ngayon dahil sa aking pananahimik.

Hindi matigil ang aking paghikbi. Halos maubusan ako ng hininga dahil dito. "Sa...Guam" garalgal na sagot ko sa kanya.

Mariin siyang pumikit. Halos maramdaman ko din ang galit niya dahil sa pagkakahawak niya sa aking magkabilang braso. Nang muli siyang dumilat ay nakita ko ang mas lalong pagusabong ng galit niya.

"Hindi ba't itinapon mo balik dito ang anak natin? Dahil ayaw mo!?" galit ba galit na tanong niya sa akin. Halos manigas ako sa takot dahil sa pagtaas ng boses niya.

Inipon ko ang lahat ng natitirang lakas ko para kumawala sa pagkakahawak niya sa akin. Kaagad ko siyang pinagpapalo at sinuntok sa dibdib.

"Bawiin mo yan! Bawiin mo yan! Hindi ko yan gagawin sa anak ko!" galit na sigaw ko sa kanya. Hanggang sa mapagod ako at muling kinain ng pagiyak. Bumagsak ako at muling naupo sa sofa.

"Namatay ang baby ko. Sabi nila, namatay ang baby ko..." paulit ulit kong sabi. Halos mapaos ang boses ko dahil sa pagiyak.

"Ang baby ko..." paos na tawag ko sa kanya at muling napahagulgol.

Naramdaman ko ang unti unting pagluhod ni Kenzo sa aking harapan. "Sera..." pumiyok na tawag niya sa akin. Marahas akong umiling.

"Paano yung sulat? Huh? Hindi ba't ipinahatid mo dito si Kianna kasi ayaw mo sa kanya, sa amin?" paos na tanong niya. Kahit hirap ay tiningnan ko siya. Kita ko din ang mga luha sa kanyang mga mata.

Napasinghap siya, pagkatapos ay bayolenteng napahilamos sa kanyang palad. "Buhay na buhay ang anak natin...paano mo nasabing namatay?" desperadong tanong niya sa akin.

Napanganga ako. Hindi kaagad iyon naproseso ng aking utak. Para akong tatakasan ng bait. Totoo ba? Totoo ba ang sinasabi ni Kenzo? Pero paano? Tangina!

"Wag mo akong lokohin..." pakiusap ko sa kanya. Sobrang sakit na, hindi magandang biro ito. Ilang taon akong nagluksa, ilang taon akong nagdusa.

Marahan siyang umiling, titig na titig siya sa aking mga mata. "Si Kianna ang anak natin. Ibinigay siya sa akin ng ate mo kaso nga ayaw mo..."

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon