Chapter 32

128K 3.4K 539
                                    

Tahimik lang kami ni Kenzo sa loob ng sasakyan habang pauwi ng condo. Kahit pa may ganap na ganuon kanina ay hindi pa din maiiwasan ang pader sa pagitan naming dalawa. Oo nga't may pinagmasahan kami bago ang lahat ng ito ngunit hindi magiging ganuon kadali, maraming nangyari sa loob ng walong taon. Hindi maiiwasan na manibago kami ulit sa isa't isa. We need to buy time. We need it.

"Dinner na lang tayo sa labas?" tanong niya sa akin.

Hindi ko siya nilingon. Napanguso ako ng makita ko ang traffic sa harapan namin. It's rush hour kaya naman siguradong magtatagal kami dito.

"Ikaw ang bahala..." tipid na sagot ko bago ako muling bumaling sa may bintana.

Hindi ko maiwasang hindi mapabuntong hininga. Gustong gusto ko ng pakawalan ang bigat sa dibdib ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko magawa. Mukhang mananatili ito sa akin hangga't hindi ko natatanggap sa sarili ko kung anong tunay na nangyari

"Ayos na ba si Apollo at Abby?" tanong niya pagbasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Isang kamay niya lang ang nakalagay sa manibela. Ang isa ay nakatukod sa may bintana sa parte niya.

"Magkahiwalay nila akong kinausap na dalawa, bago kanina" tipid na sagot ko. Hindi na ako nagdadag baka biglang kumati ang dila ko at may masabi pa akong kung ano tungkol sa kanya. Baka magaway nanaman kaming dalawa, pagod na ako. Bukas na lang kung gusto niya.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata kung paano siya marahang tumango. Ok na, nagsorry naman na siya kanina. Selos daw ang gago. Hindi ko naman siya sasabihang malandi kung makita ko siyang may kasamang ibang babae. Hindi ako ganuon, mumurahin ko lang silanh dalawa ng isang malutong na tangina sabay walk out.

Muli kaming natahimik hanggang sa tumunog ang kanyang cellphone. Bumaba ang tingin ko duon sabay iwas din kaagad. Baka sabihin masyado akong nagbabantay. I don't want to be a clingy wife. Hell no.

"Yeah, pauwi na. Kasama ko ang asawa ko" rinig kong pagkausap niya sa kabilang linya.

Medyo kumunot ang noo ko ng marinig ko ang pagtawa niya. Tangina ang landi. Ok, nasabi ko na.

"Hanggang kailan magbabantay iyan?" pagpapatuloy niya. May pinagusapan pa silang hindi ko masyadong narinig at naintindihan.

Kaagad niya akong sinulyapan pagkababa niya ng kanyang cellphone. "You wanna drink?" tanong niya sa akin na ikinagulat ko.

Ofcourse! Miss ko na din ang uminom. Nakakainom naman ako sa guam nuon kasama si Augustine. Halos palagi nga kaming nasa bar nuon pero nung umalis siya ay natigil. Hindi naman na bago sa akin ito lalo na't college pa lang ay palagi na kaming nagiinuman ng mga pinsan ni Abby.

"Nasa bank bar ang mga kapatid ko and some friends" anunsyo niya kaya napanguso ako.

Kung kailan nagkapamilya ang mga kapatid niya ay tsaka ito nahilig sa mga party.

"They are with their wife" sabi niya sa akin na sumagot sa kanina ko pang iniisip na tanong. Sabagay, hindi ko din naman maimagine sina Amaryllis at Castellana na hayaan ang mga asawa nila. Knowing the quadruplets, dumadaan pa lang ay mapapanganga ka na talaga.

With their height, bone structure, looks and aura. Masyado silang intimidating na tingnan. Hindi nga din kapanipaniwala na maaga silang lahat na natali, pwera kay Cairo.

Nag take ng U turn si Kenzo pabalik ng BGC kung saan ang bank bar. Classy ang bar na pupuntahan namin kaya naman muli kong pinasadahan ng tingin ang suot kong damit mabuti na lamang at kahit naka white pants ako ay babagay naman ang suot kong sleeves top.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now