Chapter 14

111K 3.4K 283
                                    

Marry







Ilang minuto pang nabato si Kenzo sa kanyang kinauupuan. Napanguso ako, nakangisi ko siyang tiningala. Sumalubong sa akin ang mabigat at malalim niyang tingin sa akin.

"What did you just say?"

May panghahamong tanong pa niya sa akin. Alam kong narinig niya iyon, nagiinarte lang ang gago at gusto niyang ulitin ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay kong nakahawak na ngayon sa kanyang hita.

"I love you too" malambing na pagsasabi ko. Tangina neto kung hindi lang ako tipsy hindi ko sasakyan ang kaartehan niya. Pasalamat siya mahal ko siya.

Ang kaninang madilim niyang tingin sa akin ay kaagad gumaan. Dahan dahang sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi. "Ayaw mag sink in" paos na sabi niya kaya naman napanguso ako.

"Isa pa" nakangising utos niya kaya naman inirapan ko siya. Ikinawit ko ang magkabilang kamay ko patungo sa kanyang batok. "Gago" asik ko sa kanya.

Imbes na magalit ay natawa lamang ito sa akin. He kissed me again passionately. Kung hindi tumunog ang cellphone niya ay baka hindi pa kami tumigil. Tahimik akong naghintay. Tango lamang ito ng tango habag nakikinig sa kabilang linya.

Sinundan ko ang pagbaba niya ng cellphone niya. Muli kong binalik ang tingin sa kanya at naabutang nakatingin na din siya sa akin. "Pinapauwi ka na?" nakangiwing tanong ko sa kanya. Nalulungkot din dahil sa ideya.

Pinagdikit niya ang aming ilong. Bahagya akong nakaramdam ng kiliti dahil duon. "Hindi na ako bata para tawagan pa ng parents ko at pauwin. I have my own place" pagyayabang niya sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

"So you can stay here, kung hihilingin ko?"

Kita ko ang pagtigas ng ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi nagustuhan ang aking tinuran. Mariing napapikit si Kenzo.

"Ayaw mo?" may bahid ng pagtatampong tanong ko sa kanya. The moment he open his eye it was dark. Para bang may sumaping kung ano sa kanya.

"Baka hindi tayo makatulog" paos na sabi niya sa akin. Kumunot ang noo ko dahil duon.

"Bakit naman?" panguusisa ko sa kanya. Diretso ang tingin niya sa akin. Makailang beses kong nakita ang pagdila niya sa kanyang pangibabang labi.

Buong akala ko ay may paliwana siya. Sa huli ay mariin lang siyang umiling sa akin. "Basta wag ka lang magmumura" seryosong utos niya sa akin.

Napanguso ako bago kusang sumilay ang ngisi sa aking mga labi. "I can't promise" pilyong sabi ko sa kanya.

Pumayag si Kenzo na magstay ngayong gabi. Sandali siyang bumaba para ilipat sa parking lot ng dorm ang sasakyan niya. Habang wala siya ay pumasok na ako sa banyo, naglinis ng katawan at nagpalit ng pantulog. Mabuti na lang at palaging may dalang duffle bag na may lamang extra na damir si Kenzo sa likod ng kanyang sasakyan. Saktong paglabas ko ng banyo nang pumasok siya, dala niya ang key card  ko kaya naman hindi na niya ako kinailangan pang hintayin para makapasok.

Sinuri niya ang suot kong kulay light pink na pantulog. Partner na pajama iyon kaya naman hindi problema. "Better" sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

Pumasok na si Kenzo sa aking banyo. Tumalon ako padapa sa aking sofa kaya naman natawa ako ng muntik na akong magbounce pababa. Kinuha ko ang phone mo at kaaga na nakibalita kay Abby. Nakareveice ako ng message mula sa kanya na nakauwi na siya sa bahay nila.

Bukas ay tutulak kaagad ang kaagad ang pamilya nila patungo sa tagaytay. Mukhang hindi ko talaga siya makakasama sa outreach program sa bulacan. Panay ang scrol ko sa social media ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng banyo. Mabilis kong nilingon si Kenzo. With his black cotton short ang a white shirt mas lalong nadepina ang ganda ng kanyang katawan.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now