Chapter 44

147K 4.1K 1.2K
                                    

Hindi na ulit











Hindi pa din ako nakaimik, hinayaan ko ang batang ako na hilahin ako sa kung saan. Dahil sa pagkabigla ay hindi ko na nagawang tingnan pa ang buong paligid, nanatili na lamang ang mga mata ko sa magkahawak naming mga kamay.


Muli akong namanhid ng sandali niya akong lingonin at matamis na nginitian. Hanggang sa nagangat ako ng tingin ng huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay para ituro sa akin ang malaking bahay na iyon. Wala akong nagawa kundi ang tingnan din iyon. Napanganga ako, hindi ko alam pero kumirot ang dibdib ko ng makita ko ang kabuuan nuon.

"Sige na, Frances. Pumasok ka na..." tulak niya sa akin pero hindi ako nakagalaw. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumunganga duon sa tapat ng malaking bahay. Bumigat ang dibdib ko, uminit ang gilid ng aking mga mata sa hindi ko malamang dahilan.


Muli akong napatingin sa batang ako ng marahas niyang inalog ang kamay ko. Kumunot ang noo ko ng mapansin ko ang takot sa kanyang mga mata. "Sige na, Frances. Andyan na sila!" naiiyak na sabi niya sa akin. Nalaglag ang aking panga. Ano bang nangyayari? Wala akong maintindihan!


Hanggang sa para akong naestatwa sa aking kinatatayuan ng may ilang nakaitim na lalaki ang kumuha sa kanya. Nanlamig ako, tatlong lalaking bumaba sa isang kulah itim na van ang kumuha sa batang kasama ko, hindi ko kita ang mga mukha nila dahil sa may suot silang maskara na pang halloween.


"Mommy! Daddy!" sigaw ng bata. Hindi ako nakagalaw. Hindi din naman ako pinansin nung mga lalaki na para bang hindi naman nila ako nakikita duon.


Lumipad ang palad ko sa aking labi. Tumulo ang masasaganang luha dahil duon. "Mommy! Daddy!" sigaw pa din ng bata hanggang sa papalapit na sila sa itim na van.


Maya maya ay may nakita akong isang batang babae na lumabas sa malaking bahay. "Frances!" sigaw niya. Pero huli na ang lahat dahil tuluyan ng nakuha ang batang babae.

Nanghina ang aking mga tuhod hanggang sa napaupo ako sa kalsada. Hindi ako makakurap dahil sa gulat, ano ba ang nangyayari? Hindi ko alam.

Nagangat ako ng tingin sa batang lumabas kanina. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong diretso ang kanyang mga tingin sa akin, nang pagmasdan ko siya ay parang may nakikita akong isang kakilala. Matalim ang tingin niya sa akin.


"I hate you..." tipid na sabi niya bago siya muling tumakbo papasok sa malaking bahay.


Napatakip ako sa aking magkabilang tenga ng mula sa loob ng malaking bahay na iyon ay nakarinig ako ng mga sigaw at iyak.


Ramdam ko ang pagkunot ng aking noo. Mabigat ang aking buong katawan, imbes na makaramdam ng kahit anong sakit ay wala akong naramdam, halos mamanhid ang aking katawan na para bang hindi ko ito kontrolado.


"Sige na, umuwi na muna kayong mag ama. Ako na muna dito" rinig kong sabi ni Augustine. Alam kong boses niya iyon, hindi ako nagkakamali.


Gusto kong dumilat, gusto kong gumising pero wala akong lakas. Para bang, gustong na munang magpahinga ng buong katawan ko. Ang tangi ko lang nagagawa ngayon ay pakinggan sila. Naririnig ko sila pero hindi ko magawang idilat ang aking mga mata.


"Babalik din ako kaagad. Pagpapahingahin ko lang si Kianna" seryosong sabi ni Kenzo. Naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na luha sa aking mga mata. Gusto ko silang makita pero hindi ko mapasunod ang aking katawan.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon