Chapter 57

141K 4K 884
                                    

Gender reveal









Parang ako na din ang nanghihina habang naririnig ang paghagulgol ni Fidez habang nakayakap kay Daddy. Nakawala siya sa hawak ni Kuya Frank at hinayaan na lamang ng wala naman siyang masamang ginawa kundi ang yumakap lang.


"Daddy..." tawag niya dito at nagpatuloy sa pagiyak. Napayuko na lamang ako, hindi ki kaya ang tagpong iyon.


Magkaiba kami ng pinagdaanan ni Fidez. Hindi kagaya ko, minahal naman siya nina Mommy at Daddy. Siguro ang naging problema lang ay hindi siya nakuntento, masyado siyang naging makasarili sa parte na gusto niyang nasa kanya lang ang atensyon ng mga magulang ko gayong pwedeng kaming dalawa naman. Hindi ko naman sila ipagdadamot sa kanya gayong itinuring ko naman siyang tunay kong kapatid nuon.


"Tapos na. Ginawa mo na..." seryosong sabi ni Daddy sa kanya. Wala akong makita sa kanila ni Kuya Frank kundi galit para sa kanya. Galit din ako, ngunit hindi ko maiwasang makita ang sarili ko sa kanya.


Ganyan din ako magmakaawa kay Mr. Serrano nuon. Ganyan ko din siya tawagin dahil umaasa ako na maalala niyang anak niya ako. Sa tuwing sinasaktan niya ako ay mas lalo ko lang nararamdaman na hindi niya ako mahal, na madali lang sa kanya na saktan ako na para bang hindi niya ako anak. Ayun naman pala, hindi talaga.


Hinawakan ni Kenzo ang magkabilang braso ko para makatabi ng ilang minuto lang ay may mga lalaking nakaputi ang pumasok sa aming bahay. Nagulat ako at napatingin na lamang sa kanila. Mas lalong nagwala si Fidez ng makita ang mga ito.


"Doctor ako! Doctor ako!" galit na sigaw niya sa mga ito at pilit na kumawala.


"Bitawan niyo ako! Doctor ako!" patuloy na sigaw niya kaya naman napasinghap na lamang ako at napatakip sa aking bibig.


Hindi ko na namalayan ang paglapit ni Daddy sa akin. Sinalubong niya ako ng yakap kaya naman yumakap ako pabalik sa kanya.


Pilit niyang itinago ang mukha ko sa kanyang dibdib na para bang ayaw niyang makita ko ang nangyayari kahit rinig na rinig ko naman iyon. Ilang tawag ang ginawa ni Fidez kina Kuya at Daddy pero walang pumansin sa kanya.


"Patayin niyo na lang ako! Ayoko!" umiiyak na sigaw niya.


"Daddy" tawag ko sa kanya. Alam kong wala na akong magagawa sa naging desisyon nila. Pero may parte sa akin na gustong tulungan si Fidez.


Mas lalong humigpit ang yakap ni Dad sa akin. Naramdaman ko ang bahagya niyang pagiling na para bang sinasabi niyang wag na akong magisip pa ng kung ano at sila na ang bahala dito.



"Frances..."



Nagulat ako at kaagad kumawala sa yakap ni Daddy ng tawagin ako ni Fidez sa aking tunay na pangalan. Mapungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin, basa ng luha ang kanyang pagmumukha.



"Akin ang Doll house! Binili iyon ni Mommy at Daddy sa akin. Wag mong gagalawin iyon, humanda ka sa akin pagbalik ko!" banta niya sa akin, mariing napapikit na lamang sina Kuya Frank. She really needs help.


Hahakbang na sana ako para makalapit sa kanya ngunit naramdaman ko na ang hawak ni Kenzo sa aking siko. "Baby...No" malambing na bulong niya sa akin. Hindi na lang ako nagpumilit pa, alam kong nagaalala lang siya para sa akin at sa baby namin.


Nakita ko ang tingin ni Fidez sa akin. She looks so helpless. Dalawang nakaputing lalaki ang nakahawak sa kanya. Ang kanyang mga kamay ay nakayakap sa kanyang katawan at natatabunan din ng puting tela.


The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon