Chapter 42

131K 3.7K 680
                                    

Byahe







Nanatili akong tahimik habang inaasikaso si Kianna. Dumating na ang order naming pagkain kaya naman imbes ba kumain na din ay sinigurado ko munang kumportable na ang anak ko. Huminahon na siya, ngunit paminsan minsan pa ding tumutulo ang luha mula sa kanyang mga mata. Pilit ko iyong hinahabol at pinupunasan.

Nagpalinga linga siya habang inaayos ko ang pasta para sa kanya. Nilingon niya ako at may itinuro. "I want a mango shake too..." medyo paos na sabi niya sa akin dahil sa kanyang pagiyak. Awtomatiko akong nataranta at kaagad na nagtawag ng waiter. Orange juice ang inorder ko sa kanya, akala ko kasi ay may gusto niya iyon.

Mabilis kong sinabi sa waiter ang dagdag na order namin. Nginitian ko si Kianna ng makaalis ba ito para kuhanin ang gusto niyang mango shake. "Kain ka na" malambing na sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin at nagsimula na ding kumain.

Nang lingonin ko si Augustine at maarte siyang kumakain ng steak. Nagtaas siya ng kilay sa akin ng magtama ang aming mga mata. "Hindi ko na carry...na-carried away me" maarte pa ding sabi niya sa akin. Napanguso ako at napailing.

Nagumpisa na din akong kumain. Panay pa din ang check ko kay Kianna para lang masiguradong maayos siyang makakakain. Nagulat ako ng hawakan ni Augustine ang kamay kong nakapatong sa itaas ng lamesa.

"Matatakot yan lalo sa kakaganyan mo" sabi niya sa akin na nanlalaki pa ang mga mata. Napakagat ako sa aking pangibabang labi, hindi ko napigilang muling mapabaling kay Kianna. Imbes na sa pagkain ay nakita ko ang tingin niya sa kamay ni Augustine na nakahawak sa aking kamay. Dahan dahan ko iyong kinuha, ayokong may maisip siyang iba.

Nagumpisang magkwento ito tungkol sa kanyang long distance relationship. Kahit papaano naman daw ay nakakaya niya, ang kaso hindi niya alam kung gaano siya tatagal.

"Kailangan pa din syempre ng intimacy, the touch, the kiss...the main event" makahulugang sabi niya kaya naman napatawa ako. Sabay kaming napatingin sa anak kong tahimik pa ding kumain.

Ngumuso si Augustine. "Pang ilang main event ba nabuo ito?" tanong niya sabay nguso kay Kianna. Inirapan ko siya at nginisian.

Nanunuyang tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "College pa lang, nagmamain event na kayo ni Doc. If I know..." pangaasar niya, naniningkit ang mga mata.

Uminit ang magkabilang pisngi ko kaya naman halos abutin ko siya mula sa kabilang mesa. Tangina neto, kanina ko pa siya gustong hampasin.

Bago kami matapos ay may inilabas na tatlong paper bag si Augustine, puro mga branded at imported iyon. Nagtaas ako ng kilay, grabe naman magregalo ito.

"Here's for you. Pinabili ko pa yan abroad..." malambing na sabi niya kay Kianna. Tinulungan kong kuhanin iyon at inilapag sa tabi ng aking anak. Mabilis niyang tiningnan iyon.

"Thank you po..." marahang sabi niya, ngumuso lang siya ng hindi niya makayanang ngumiti. Napahalakhak si Augustine.

"Damn, anak mo nga iyan" asar niya sa akin kaya naman napangisi ako.

"Pag nabalitaan kong inaway mo ulit ang Mommy mo, babawiin ko yan" pananakot niya kay Kianna. Tumalim ang tingin ko sa kanya pero inirapan niya lamang ako.

Binalingan ko ang anak ko at malambing na sinuklay ang kanyang buhok habang busy siya sa kakatingin ng mga laman ng paper bag. May mga dress at bag duon, may kung ano ano pang isinama si Augustine.

"You like it?" nakangiting tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako at tinanguan.

Matapos ang lunch namin kay Augustine ay napagpasyahan na din naming umalis. Siya ang humawak sa kamay ni Kianna habang palabas kami ng restaurant. Kung hindi ko lang alam ang sikreto nito ay aakalain kong babae ang hanap niya. Hindi nawala sa kanya yung tindig, yung dating. Ilang babae pa din talaga ang lilingon at lilingon para sa kanya. Hindi naman na nakakapagtaka dahil gwapo naman talaga si Augustine.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now