Chapter 5

125K 4.1K 570
                                    

Happy eating






"Sabi sayo Doc eh, gusto ka din talaga ni Sera" ngiting ngiti pang sabi ni Abby dito. Pinuno ko ng mura ang mga tenga nilang dalawa dahil sa nalaman ko. Mga hayop na to, ginawa pa akong kalokohan.

Nahihiyang ngumiti si Kenzo at napakamot pa sa kanyang batok. Puta, nagpapacute pa ang gago. Sinamaan ko sila ng tingin na dalawa. Kung nakamamatay lang ang matalim na tingin ay paniguradong kanina pa sila bumagsak na dalawa.

"Sana" mahinang sabi ni Kenzo kaya naman kaagad na nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok pababa sa braso. Naikuyom ko ang aking kamao.

Bayolente akong napakamot sa aking batok dahil sa pagkairita. "Super tangina niyo talaga to the highest level. Nakakabwiset" gigil na sabi ko pa sa kanila kaya naman muling napatawa si Abby.

"Hindi ko talaga maexplain yung itsura ni Sera kanina nung ipakita ko sa kanya yung my day mo eh...selos na selos eh" patuloy na panlalaglag sa akin ng gaga kong kaibigan.

Parang tuwang tuwa pa sa kilig ang gagong si Kenzo. Mga hayop.

Muling napaalam si Abby na aalis pagkatapos nuon. Mukhang babalikan na nito ang pinxerox naming handouts. Napasimangot naman ako ng muli nanaman kaming maiwan ni Kenzo.

"Nagmirienda ka na ba?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot, nanatili ang matalim kong tingin sa kung saan.

"Hindi na ulit kita pagseselosin. Mukhang mahirao kang suyuin" nakangising sabi pa niya kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata.

"Fuck you" inis na asik ko sa kanya. Napaayos ako ng upo ng muling humilig papalapit sa akin si Kenzo. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa aking tenga.

"You don't know how hard it is for me...I really want to kiss you everytime you curse Sera" mapanindig balahibong pagbabanta niya sa akin.

Imbes na magpakain sa takot ay naikuyom ko ang aking kamao. Tinaasan ko siya ng kilay. "Tangina" tipid na sabi ko para asarin siya.

Muling bumaba ang tingin ni Kenzo sa aking mga labi. Sa kabila ng pagiging matapang ko ay naramdaman ko ang panlalambot ng aking mga tuhod dahil sa kakaibang tingin niya dito, lalo ng nakita ko ang bayolenteng pagtaas baba ng kayang adams apple.

"Tangina...tangina" paulit ulit na sambit ko para hamunin siya. Mariing napapikit si Kenzo. Nagulat ako ng mabilis niyang tinakpan ang bunganga ko gamit ang kanyang palad.

"You're such a tease. Don't provoke me, baka maguidance tayo for PDA" natatawang suway niya sa akin. Hindi ako makagalaw dahil sa pagkabigla pa din sa palad nitong nasa aking bibig, ang bango nuon at ang lambot parang hindi kamay ng lalaki.

"Ano ba!" inis na suway ko sa kanya ng makabawi ako. Kaagad kong tinaboy ang kamay niya sa aking bibig.

Marahas kong pinunasan ang aking bibig. "Baka mamaya eh kakalabas mo lang ng banyo. Kadiri ka" inis na sabi ko pa habang pinupunasan ng panyo ang aking pisngi at labi.

Nakangiti lamang si Kenzo na nakatingin sa akin. Para bang aliw na aliw itong nabwibwiset niya ako. Dahil duon ay kaagad kong itinaas ang middle finger ko sa mukha niya, mas lalong natawa ang gago.

Hindi tumigil si Kenzo sa panliligaw sa akin kahit pa ilang beses ko siyang tinatarayan at minumura. Imbes tuloy ba mainis minsan ay nasasanay na lamang din ako sa kanyabg presencya. Kaya naman nung isang araw na hindi ko siya nakita ay nanibago na ako.

"Ay ang lungkot natin ngayon ah" pangaasar sa akin ni Abby. Sinimangutan ko siya at tsaka mas lalong humaba ang aking nguso.

Napatawa si Abby dahil sa aking naging reaksyon. "Baka busy lang si Doc Kenzo, syempre nagaaral din iyon. Hindi naman pwedeng palagi lang siyang nakasunod sayo" paliwanag pa sa akin ni Abby ba akala mo naman eh hiningi ko ang opinyon niya.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt