Chapter 13

110K 3.5K 361
                                    

Donuts



Nagmadali akong lumabas ng classroom pagkatapos ng aming klase. Sinabi kasi sa akin ni Kenzo na hihintayin niya ako at sabay kaming maglulunch. Humaba ang nguso ko nang hindi ko siya nadatnan sa labas ng classroom namin. Babagsak na sana ang balikat ko ng kaagad ko siyang makasalubong sa may hagdanan. Humahangos itong tumakbo paakyat.

"Baby..." hinihingal na tawag niya sa akin. Imbes na magsalita ay mabilis akong yumakap sa kanya.

Ramdam na ramdam ko ang pagkahingal nito pero naramdaman ko din ang pagganti niya ng yakap sa akin. "Bumili ako ng gamot para diyan sa sugat mo" sabi pa niya sa akin tsaka ipinakita ang plastick ng drug store.

Tumango lamang ako sa kanya at tsaka siya nginitian. Pinagsiklop ni Kenzo ang aming mga kamay habang naglalakad palabas ng building. "Si Abby nasaan?" tanong niya sa akin kaya naman napatawa ako.

"Nakatambay nanaman sa library, crush nga kasi niya yung librarian" nakangiting kwento ko sa kanya kaya naman napangisi ito.

Unti unting nawala ang ngiti ko ng makita ko si Fidez sa dulo ng hallway. Napahinto siya sa paglalakad ng makita niya kami ni Kenzo. Bayolente akong napalunok, sobra sobra ang kaba sa aking dibdib. Tangina parang tatalon palabas ang puso ko dahil sa kaba. Napatingin ako kay Kenzo pero seryoso at diretso lamang ang tingin niya sa daan. Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng lagpasan namin si Fidez.

"Kenzo" tawag niya dito. Hindi man lang lumingon o huminto si Kenzo, tuloy tuloy lang ang ginawa niyang paglakad. Hindi ko naiwasang lingonin si Fidez pero wala na ito sa kanyang kinatatayuan kanina.

Binitawan ni Kenzo ang kamay ko at tsaka niya inilipat ang kamay niya sa aking likuran. "Saan mo gustong kumain?" malambing na tanong niya sa akin.

Napanguso ako. Bwiset ako naman ngayon ang nakukunsensya dahil sa itsura ni Fidez kanina. Inis talaga yung babaeng iyon eh, magaling mambwiset at magaling ding magpaawa. Feeling ko tuloy ang sama sama ko nanaman.

"Masama ba ako?" hindi ko na napigilang magtanong kay Kenzo. Kaagad niya akong nilingon at nginisian.

"Bakit mo naman naitanong?" tanong niya sa akin kaya naman nagiwas ako ng tingin. "Eh kasi ipinagdadamot kita" nahihiyang sagot ko sa kanya.

Hinila niya ako papalapit sa kanya. "I don't mind. Mas kinikilig nga ako pag ganuon" nakangising bulong pa niya sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata.

"Kinikilig ka? Paano, patingin nga" pagpilit ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang napahalakhak.

"Stop it Sera, hindi ko ipapakita" laban niya sa akin kaya naman sumama ang tingin niya sa akin. Hinampas ko siya sa braso niya.

"Napakagago mo" masungit na sabi ko sa kanya tsaka ko siya inirapan. Napatitig ito sa akin at napakagat labi pa ang loko. Muntik ko na tuloy makagat ang labi ko, bwiset.

Sa may teacup kami kumain ni Kenzo ng lunch. Siya na din ang umorder para sa aming dalawa kaya naman habang naghihintay sa kanya ay ang binuklat ko yung makapal na libro niya. Para akong aantukin habang nakikita ang mga pahina na punong puno ng sulat.

Napahinto ako sa paglilipat ng makita ko ang malaking picture ng Vagina. Nakabukaka iyon ay colored pa kaya naman amaze na amaze ako. Sa sumunod na page ay ari naman ng lalaki. "Ang bastos ng libro ng mga Med nato" umiiling na sabi ko habang binabasa ko yung mga parts nuon. Titig na titig ako duon ng kaagad akong magulat sa biglaang pagdating ni Kenzo. Sa sobrang pagkataranta ko ay hindi ko na iyon nasara.

"Titig na titig ka diyan ah" pangaasar niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Grabe pinagaaral niyo talaga iyan ano?" puna ko sa kanya na tinanguan niya.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon