Chapter 9

108K 3.5K 845
                                    

Tell me baby

Walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha habang nakayuko akong naghihintay sa pagbubukas ng elevator. Naiintindihan kong bestfriend ni Kenzo si Fidez. Bago pa man ako dumating ay matagal ng may puwang si Fidez sa buhay niya. Kahit paulit ulit niya akong piliin, hindi maalis na importante si Fidez sa kanya.

Kahit pagdating ko sa aking dorm ay panay pa din ang aking pagiyak. Ni hindi ko na nga nagawa pang kumain ng dinner dahil nawalan ako ng gana. Nakatulog ako ng gabing iyon na suot suot pa ang aking uniform, nakatulugan ko nanaman ang pagiyak kaya naman hindi na ako nagtaka na maga nanaman ang aking mga mata pagharap ko sa may salamin.

Tamad na tamad akong nagayos para pumasok. Hindi nagloko si Kenzo, wala siyang ibang babae, he only has his bestfriend Fidez na mas importante pa sa kahit na kaninong babae even me. Mas importante si Fidez kesa sa akin na girlfriend niya. I think i need to keep that in mind.

Bago pumasok sa university ay dumaan muna ako sa may convinient store malapit duon. Bumili ako ng kape para naman kahit papaano ay magising ang aking diwa. Wala sana akong balak na bumili ng big bite ang kaso ay may nakita akong bumibili nuon kaya naman nainggit ako. Inggitera naman kasi talaga ako at sabi ng iba ay ambisyosa. Tama nga siguro sila.

"Naunahan kita!" hiyaw ni Abby pagkapasok ko sa room. Ngiting ngiti ito na para bang panalong panalo siya dahil nauna siyang dumating kesa sa akin. Tamad ko lamang siyang tiningnan at tsaka dumiretso sa aking upuan.

Kumunot ang noo nito nung una pero kalaunan ay napanguso na lamang din. Umupo siya sa aking tabi kaya naman bahagya akong umusog para makaupo siya ng maayos. "Sabi mo kahapon pupuntahan mo ako sa library...kami na lang tuloy nung librarian ang naiwan" kwento pa niya sa akin pero hindi ko pinansin.

"Okay ka lang ba Sera?" panguusisa pa niya sa akin. Hindi pa siya nakuntento ay inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko para mas lalo niyang makuha ang aking atensyon.

"Tangina naman oh, kitang kumakain yung tao eh" inis na suway ko sa kanya kaya naman kaagad na napangiti si Abby.

"Okay ka lang pala..." sagot niya sa sarili niya sa pagaakalang ok lang ako dahil nakakapagmura ako. Normal na kasi iyon para sa kanila, na tahimik lang ako, bugnutin o kaya naman ay masungit.

Hindi na ulit ako kinulit ni Abby pagkatapos nuon. Hinayaan niya akong gawin ang gusto ko at iyon ay ang dumukdok sa aking armrest para makaidlip kahit sandali.

"Hindi papasok si Ma'm" rinig kong anunsyo ng isa sa mga bida bida naming kaklase. Naghiyawan ang lahat dahil sa kanyang sinabi, pero napatigil din sa sumunod na anunsyo.

"Wala pa ding aalis, magmemeeting tayo ngayon para sa pharmacy week. Tayo ang inatasan na mag organize dahil busy ang mga seniors" sabi pa niya kaya nama ang lahat ay natahimik. Kinalabit ako ni Abby para bumangon mula sa aking pagkakadukdok. Tamad ko iyong ginawa.

"Pagkatapos ng pharmacy week finals na, tapos bakasyon na tapos 4th year na tayo!" kinikilig na sabi ni Abby sa aking gilid. Inirapan ko lamang siya. 4th year na nga kami pero ang ilan sa mga subject namin ay pang 3rd year pa din.

Tahimik lamang akong nakikinig sa pinaguusapan ng mga kaklase namin. Sandaling nakuha ang atensyon ko ng maramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone.

From: Tanginang Kenzo

Saan ang room mo ngayon? Sabay tayong mag lunch. I miss you. <3

Napairap ako dahil sa aking nabasa. May paheart pa sa dulo ang gago. Kakapalit ko lang kanina ng pangalan niya sa cellphone ko dahil sa sobrang inis ko. Hindi ako galit sa kanya dahil inaalagaan niya si Fidez at hinahatidan pa ng lunch para sabay silang kumain samantalang ilang beses niya akong hindi sinipot. Tangina niya, Oo tangina talaga niya kahit hindi naman masama yung ginawa niya dahil kaibigan niya yung tao.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon